PNP, nagbigay ng update sa pagkamatay ng babaeng driver sa Laguna

PNP, nagbigay ng update sa pagkamatay ng babaeng driver sa Laguna

-May "persons of interest" na ang pulisya ukol sa pagkamatay ng babaeng tinadtad sa saksak sa Laguna noong Linggo

-Pero ayon sa PNP, hindi pa nila maaaring sabihin kung sino ang mga ito para na rin makasiguro

-Pero posible raw na kilala ng biktima ang suspek o mga suspek

-Hustisya naman ang sigaw ng pamilya at mga kaibigan ng dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May "persons of interest" na ang pulisya ukol sa pagkamatay ng dalagang si Jang Lucero na tinadtad ng saksak at natagpuang patay sa kanyang kotse sa Calamba, Laguna.

Sa isang panayam ng GMA News, sinabi ni Calamba police chief Police Lieutenant Colonel Gene Licud na hindi pa sila maaaring magbigay ng iba pang detalye kaugnay nito.

"We have some persons of interest, but right now we cannot name names as to the persons of interest because we want to be sure and we want an airtight case against the suspects,” sabi ni Licud.

Pero dagdag ng opisyal, posible raw na kilala ng biktima ang suspek o mga suspek.

PNP, nagbigay ng update sa pagkamatay ng babaeng driver sa Laguna

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

"We do not have the exact numbers as to… kung ilan talaga ‘yung kaniyang saksak, pero definitely marami ito. Sa tingin namin ay hindi talaga bubuhayin ‘yung victim. Kasi may tama siya dito sa may bandang dibdib, tapat ng kaniyang puso. That is the initial,” sabi pa ni Licud.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang mga posibleng dahilan ng krimen kabilang na ang love triangle at paghihiganti.

Maging ang ruta na dinaanan ni Lucero ay kanila na rin sinisilip at ang mga taong nakausap nito.

"Kasama ‘yan sa ating mga assumptions, na ito ay pinagplanuhan dahil sa pagsasagawa naman ng isang krimen ay aside from the crime of passion, pinagpaplanuhan. Hindi lang ito ‘yung biglang outburst," dagdag pa ni Licud.

Patuloy naman na humihingi ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ni Lucero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ay suma-sideline bilang tagahatid ng pasahero gamit ang kanyang kotse matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Una nang sinabi ng nobya nito na si Meyah Amotorio na nagkaroon pa sila ng pagtatalo ng kasintahan nang malaman na tatlo ang pasahero nito noong gabi ng krimen.

Isang security guard ang nakakita sa katawan ni Lucero sa Bypass Road sa Calamba na nagtamo ng 52 na saksak ayon sa mga pulis.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel