Nurse sa viral video na sumasayaw sa ospital, umalma sa ilang reaksyon ng netizens

Nurse sa viral video na sumasayaw sa ospital, umalma sa ilang reaksyon ng netizens

- Nag-viral ang video ng nurse na si Shaira Garfil kung saan makikitang sumasayaw sila sa ospital habang naka-PPE

- Kwento ni Shaira, nagawa nila ito dahil sa tuwa na naalis na sa ICU ang isa sa kanilang pasyente na may COVID-19

- Marami man ang natuwa sa kanila, marami rin ang 'di umano nakaunawa sa pansamantala nilang pagsasaya sa trabaho kung saan labis na raw talaga silang nakraramdam ng pagod

-Pakiusap na lang din ng nurse na sana'y maunawaan din sila tulad ng pag-unawa nila sa kanilang mga pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng marami ang viral video ng nurse na si Shaira Garfil kung saan makikitang sumasayaw sila ng isa pa niyang kasamahang nurse sa Palawan.

Nalaman ng KAMI na talagang napasayaw sa saya si Shaira nang malamang isa sa kanilang pasyente na may COVID-19 ay naalis na sa ICU at patuloy na bumubuti ang pakiramdam.

Read also

CEO ng isang skin care brand, kinabiliban sa kanyang nakaka-inspire na kwento

Sa panayam sa kanya ni Oscar Oida ng GMA News, nabanggit ng nurse na malaking bagay ito para sa kanila dahil nararamdaman nila na nagbubunga ang kanilang sakripisyo bilang mga medical frontliners.

Nurse sa viral video nilang sumasayaw sa ospital, umalma sa ilang reaksyon ng netizens
Photo: Screenshot from Shaira Garfil's video
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito raw umano ang kanilang pinaghuhugutan ng lakas at inspirasyon lalo na at taon na ang itinatgal ng pandemya dahil sa COVID-19.

Subalit sa kabila ng kasiyahan, may ilang mga netizens na iba ang naging reaksyon sa nasabing video.

Tila hindi raw naiintindihan ng ilan ang hirap at sakripisyo na kanilang ginagawa lalo na at marami na rin umano ang tinamaan ng virus sa Palawan.

Dahil dito, nagbahagi na rin siya ng mga larawan ng kalagayan nila sa ospital kung saan makikitang sila rin ay napapagod na ngunit hindi sila sumusuko.

Hiling lamang ni Shaira na sana'y unawain din sila sa kanilang kalagayan tulad ng pag-unawa nila sa kanilang mga pasyente.

Read also

Raffy Tulfo, pinayuhan ang nagreklamong Food Panda rider na mag-resign na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masasabing mga bayani talaga ang ating mga medical frontliners sa laban natin sa COVID-19 na magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin nating nararanasan.

Buwis-buhay silang sumusuong sa mga pagamutan araw-araw na kung saan maging sila ay tinamataan na rin ng virus.

Kaya naman ang ilan, hindi maiwasang mapanghinaan ng loob ngunit patuloy pa rin na nagsasakripisyo habang ang iba ay patuloy na nagpapasalamat na sa tinatagal ng pandemya ay malakas at hindi sila nagkakasakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica