Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, binahagi ang aktwal na kalagayan

Pinay nurse na tinamaan ng COVID-19, binahagi ang aktwal na kalagayan

- Pinakita ng isang Pinay nurse na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang nararanasan

- Kadaraan lamang ng doktor bago niya kunan ng video ang sarili at kakasabi lamang nito sa kanya na tinamaan siya ng COVID-19

- Mild case pa lamang daw ang dinaranas ng nurse ngunit kapansin-pansin na ang hirap niya sa paghinga

- Kaya naman, di raw niya lubos maisip kung ano na ang kalagayan ng mas malala pa sa kanya na marahil ay mas hinahabol na ang paghinga

- Sa kabila ng kanyang nararanasan, nakuha pa niyang magpalakas ng loob ng mga kapwa nya tinamaan ng virus at sinabing higit na mas makapangyarihan ang Diyos kaysa sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ag video ng Pinay nurse na si Arlou Anne Klein Manganti - Marsal kung saan kinunan niya ang sarili upang ibahagi ang aktwal na kalagayan niya.

Nalaman ng KAMI na marami nang nangangamustang kaibigan at mahal sa buhay si Arlou at hirap siyang i-text pa ito ng isa-isa kaya minabuti na niyang magbahagi ng video.

Kakadaan lamang daw ng doktor noon sa kanya at kinumpirma nitong positibo nga siya sa COVID-19.

Mild case pa lamang daw ang dinaranas ni Arlou ngunit kapansin-pansin na ang kanyang hirap sa pagsasalita at paghahabol sa paghinga.

Mayroon na rin siyang oxygen ngunit oobserbahan daw ng doktor kung kakayanin nito na wala sa loob ng 24 oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi raw lubos maisip ni Arlou na mild pa lamang ang kanyang dinaranas gayung hirap na siya sa pagpunta pa lang ng banyo.

Ano pa raw kaya ang mga mas may malala pang kalagayan sa kanya na marahil daw ay mas nahihirapan talaga.

Ngunit sa kabila ng dinaranas, nakuha pa niyang palakasin ang loob ng mga kapwa niya tinamaan ng COVID-19.

"I will fight, we will fight, Our God is bigger than this virus, Amen... Thank You Lord" ang pahayag niya.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Have you seen the movie Parasite already? Here are our thoughts on the Best Picture Oscar winner. If you watched the film, let us know if you agree with our host Christine.

Parasite: 5 Bests and 5 Worsts About The Movie | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel