Gloc-9, proud sa pagiging 'online seller' sa panahon ng pandemya

Gloc-9, proud sa pagiging 'online seller' sa panahon ng pandemya

- Ipinagmamalaki ng sikat na rapper sa bansa na si Gloc-9 ang pagiging negosyante niya sa gitna ng pandemya

- May isang fan na nanibago at tila kinuwestyon ang pagbibenta ng kilalang rapper ng kung-ano ano at hindi raw bagay sa kanyang idolo

- Tahasang sinagot ito ng rapper at maayos na nagbigay ng pangaral lalo na sa panahong humaharap tayo sa matinding krisis dala ng COVID-19

- Binigyan diin pa ni Gloc-9 na walang masama sa kanyang ginagawa lalo na at marangal ito at walang inaapakang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gloc-9, proud sa pagiging 'online seller' sa panahon ng pandemya

Proud ang kilalang rapper ng bansa na si Gloc-9 sa pagiging madiskarte niya ngayong panahong dumaranas ng pandemya ang mundo.

Nalaman ng KAMI na isa si Gloc-9 sa mga pumasok sa online selling lalo na at apektado ang industriya ng OPM dahil pinagbabawalan sa ngayon ang mga live events bilang pag-iingat sa COVID-19.

At dahil mayroon din siyang pamilyang sinusuportahan, hindi niya ikinahiya ang pagbibenta ng kung ano-ano online upang may kitain.

Isa na rito ang "Fried Chicken ni Gloc-9" na naging usap-usapan online. Dahil dito, isang fan ang tahasang nagtanong sa kanyang idolo kung bakit nagbibenta ito ng "kung ano-ano" at sinabing hindi raw ito bagay sa rapper.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanyang Facebook post, maayos itong ipinaliwanag ng rapper dahilan para lalo siyang hangaan ng marami.

"Tol wala namang masama siguro doon diba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag rap ay mag linis ng basurahan, Kubeta at kanal?"

"Tandaan nyo mga Kababayan iba na ang panahon natin ngayon kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga Mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! Apir!!!" dagdag pa ng rapper.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9 ay itinuturing na isa sa mga "Best Filipino rappers of all-time".

Nagsimula ang kanyang career noong 1990 ngunit mas nakilala siya noong taong 2003 nang mag-release siya ng solo album.

Si Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang "Sirena" kung saan nakasama niya ang isa ring OPM artist na si Ebe Dancel, “Hari Ng Tondo,” at “Simpleng Tao."

Ngayong taon, nilabas din niya ang kantang "Halik" kung saan na kasama naman niya ang dating miyembro ng Ex-Batallion na si Flow G.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel