Naaksidenteng delivery rider, dinagsa ng tulong matapos mag-viral ang post ng customer

Naaksidenteng delivery rider, dinagsa ng tulong matapos mag-viral ang post ng customer

- Nasa dalawang araw lamang ang lumipas, naibigay na ng customer ang hiling nitong safety gear para sa delivery rider

- Nai-post niya kasi ang dedikasyon sa trabaho ng delivery rider na naihatid pa ang kanyang pagkain kahit naaksidente na ito

- Bukod sa complete safety gear, nabigyan din ng grocery items at tulong pinansyal ang 50-anyos na rider

- Nagkaroon na rin ito ng kumpletong pambayad ng kanyang hinihulugang motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang post ng netizen na si Maria Kriselda Galon tungkol sa dedikasyon ng delivery rider na si Aldrin, dinagsa na ito ng tulong.

Matatandaang naantig ang puso ni Kriselda nang malamang naaksidente pa si Aldrin bago nito maihatid ang kanyang order.

Subalit sa kabila ng mga sugat at galos na natamo, dumiretso pa rin ito kay Kriselda para lamang maibigay pa rin ang order nito.

Read also

Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya

Naaksidenteng delivery rider, dinagsa ng tulong matapos mag-viral ang post ng customer
Mga natanggap na safety gear ng 50-anyos na delivery rider na si Aldrin (Photo from Maria Kriselda A. Galon)
Source: Facebook

Dahil sa namangha si Kriselda sa ipinakitang kabutihan at pagmamahal sa trabaho ng 50-anyos na delivery rider ng Food Panda, naisipan niya itong tulungan.

Sa kanyang post, humiling si Kriselda na mabigyan ng complete safety gear si 'Kuya Aldrin' upang maging ligtas ito sa kanyang trabaho.

At nasa dalawang araw lamang ang lumipas, naisakatuparan niya ito sa tulong mga taong nakakita ng kanyang post, kilala man niya o hindi.

Maliban sa mga safety gear, nabigyan pa ng grocery items at tulong pinansyal si Kuya Aldrin.

Nakalikom din sila ng sapat na halaga para makumpleto na rin ang bayad nito sa kanyang motorsiklo.

Labis namang nagpapasalamat ang delivery rider sa hindi inaasahang suporta na kanyang natanggap sa tulong ni Kriselda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang masuwerteng delivery rider ang natulungan ng mga Pinoy fans ng BTS matapos na mag-viral ang post nito.

Read also

Ogie Diaz, ₱4 Million ang ginastos sa anak; tumulong pa rin sa ibang baby sa ICU

Sinabi kasi niyang masaya siyang magde-deliver ng mga BTS meal ng McDonald's sa launching nito sa bansa na ikinatuwa ng mga 'BTS Army" ng Pilipinas.

Katunayan, nakalikom sila ng nasa Php45,000 labis na ipinagpasalamat ng masipag at masayahing rider.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica