Devon Seron, nagbahagi ng kanyang "palabang" picture kasunod ng jowa reveal nina Heaven at Kiko

Devon Seron, nagbahagi ng kanyang "palabang" picture kasunod ng jowa reveal nina Heaven at Kiko

- Isang picture ang ibinahagi ni Devon Seron sa kanyang Instagram account isang araw matapos ilantad nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo ang kanilang relasyon

- Wala naman itong binanggit patungkol sa kanyuang ex-boyfriend o patungkol sa isyu

- Gayunpaman, hindi maiwasan ng ilang fans na ipagkumpara sila ni Heaven

- Bukod dito ay marami rin ang humanga sa angkin nitong ganda at pagiging matatag sa kabila ng kanyang dinanas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit na usapin pa ring maituturing ang "Jowa reveal" nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo kamakailan. Kaya naman, hindi naiwasan ng mga netizens na mabanggit ang pangalan ng dalawa sa panibagong Instagram post ni Devon kung saan nagbahagi siya ng kanyang picture.

Devon Seron, nagbahagi ng kanyang "palabang" picture kasunod ng jowa reveal nina Heaven at Kiko
Devon Seron (@devonseron)
Source: Instagram

Hindi naiwasang ikumpara sila ni Heaven. Gayunpaman, hindi sumagot si Devon sa mga komento ng netizens.

Marami din sa mga ito ang nakapuna sa kagandahan ng aktres.

Read also

Ethel Booba at Queen Inutz, nagpagalingan sa online selling

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Mga ganitong beauty yong hindi nkakasawang tingnan. Pretty Devon super fan ninyo talaga ako ni James since PBB pa i hope someday magka work kayo ni James.
Umupo lang yan pero sobrang ganda. So beautiful ❤️ hndi nagbago since pbb days still the simple and mabait na Devon
She is so classy and well mannered. Saw her interview. Walang sinabing masamang salita tungkol dun sa dalawa. And ang focus niya is ang sarili niya.

Si Devon Seron ay unang nakilala nang maging isa sa finalists ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Nagmula siya sa Cebu City.

Taong 2018 nang lumipat si Seron sa GMA Network matapos ang kanyang pagganap bilang kapatid ni Jessy Mendiola sa remake ng Mexican Telenovela na Maria Mercedes sa ABS-CBN.

Read also

Angel Locsin, makailang beses tinanong si Neil kung totoo ang wedding proposal nito

Taong 2018 din lumabas ang balita tungkol sa namumuong pagtitinginan nila ni Devon Seron. Matapos silang mamataang magkasama ng maraming beses ay inamin ng aktor ang tungkol sa kanilang relasyon noong January 2019.

Matatandaang naging maugong bali-baliyang naghiwalay sina Devon at Kiko matapos mag-post ng aktres ng cryptic poct. Kinalaunan ay kinumpirma ni Kiko ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel