Anne Curtis, nawindang matapos makita ang kanyang mag-amang iniwan nang 5 minutes
- Ibinahagi ni Anne Curtis sa kanyang Instagram story ang kanyang mag-ama matapos niya itong iwan nang limang minuto
- Nawindang si Anne nang makitang puno ng pintura ang kamay pati ang damit ng kanyang anak na si Dahlia
- Ibinahagi niya rin ang picture ng suot nitong damit na aniya ay isang limited edition ng clothing line nila na Tili Dahli
- Ito ang negosyo nila ng kapatid ni Erwan at malapit niya ding kaibigan na si Solenn Heussaff
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ni Anne Curtis sa kanyang Instagram story ang nadatnan niyang kalagayan ng kanyang mag-amang sina Dahlia at Erwan Heussaff matapos niyang iwan ang mga ito nang limang minuto lang.
Puno ng mantsa ang damit ng anak at tila pulang pintura ang napaglaruan nito. Makikita din sa video na ibinahagi ni Anne na naroroon ang kanyang ama.
Sa kasunod na story ay ipinakita niya rin ang damit na suot ni Dahlia na aniya ay limited edition sa koleksiyon nila sa Tili Dahli.
Ang Tili Dahli ay ang online store nina Anne at ni Solenn na hango sa mga pangalan ng kanilang mga anak na sina Tili at Dahlia.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.
Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.
Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.
Source: KAMI.com.gh