Meryll Soriano, pinasilip ang mansiyon ng kanyang ama sa Puerto Galera

Meryll Soriano, pinasilip ang mansiyon ng kanyang ama sa Puerto Galera

- Sa kanilang pagdiriwang ng Father's Day nitong June 20, masayang ibinahagi ni Meryll Soriano na nakasama niya ang kanyang ama

- Pumunta sila sa private resort nito sa Puerto Galera kung saan pinasilip ni Meryll ang kanyang napatayong bahay

- Kasama din nila ang dalawa pang kapatid ni Meryll na sina Juamee at Marimonte at ang kanyang dalawang anak

- Ipinakita din ni Meryll ang yate ng kanyang ama kung saan kadalasang nag-iisip ang TV host tungkol sa kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Meryll Soriano ang naipundar ng amang si Willy Revillame mula sa kanyang pagsisikap sa trabaho. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang mabilisang tour sa bahay na umano'y pinagpaguran ng kanyang ama.

Hindi naman maitago ni Willie ang kanyang tuwa at karga-karga nito ang kanyang bunsong apo, ang anak nina Meryll at Joem Baskon na anim na buwan na.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Meryll Soriano, pinasilip ang mansiyon ng kanyang ama sa Puerto Galera
Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

Kasama din sa kanilang celebration ang mga kapatid ni Meryll na sina Wammy at Marimonte na malapit sa isa't-isa kahit magkakaiba ang kanilang mga ina.

Minsan lang umano sila nagkakasama dahil magkakalayo ang kanilang bahay. Halos hindi nagkakalayo ang edad ni Wammy sa anak ni Meryll na si Elijah Palanca.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

Nang pumasok ang taong 2021 ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revilement ang kanyang baby.

Read also

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel