Jacqui Manzano, may matinding hugot tungkol sa pagiging responsableng ama
- Makahulugan at nakakaintriga ang mga ibinahagi ni Jacqui Manzano sa kanyang Instagram story
- Wala itong binabanggit na pangalan ngunit ang tema ng kanyang mga post ay tungkol sa pagiging responsableng ama
- May tanong pa ito kung nasa lahi ba ng kanyang pinatutumgkulan ang pagiging irresponsable
- Si Jacqui ang dating asawa at ina ng mga anak ng TV host actor na si Anjo Yllana
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naintriga sa mga hugot ng dating misis ng TV host actor na si Anjo Yllana. Sa kanyang Instagram Story ay may mga pasaring ito tungkol sa pagiging responsableng ama.
Wala naman itong binanggit na pangalan ngunit sunod-sunod ang kanyang naging pasaring.
May tanong pa ito kung nasa lahi ba daw o nasa pamilya ng kanyang pinatutungkulang tao ang pagiging responsable.
Dagdag pa niya, hindi niya inasahan na tatayo siyang ama at ina sa mga anak dahil buhay pa naman ang ama ng kanyang mga anak. Kalakip nito ay ibinahagi niya ang isang listahan ng tungkulin ng isang ama.
Nagbahgi din siya ng quote tungkol sa fatherhood na nagsasabing ang pagiging tatay ay panghabangbuhay na responsibilidad kahit pa may dumating na mga problema.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Jacqui Manzano ang dating asawa ng TV host at aktor na si Anjo Yllana. Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Milyonaryong Mini in 1996.
Taong 2008 naman lumabas ang balitang nagkakalabuan na umano ang mag-asawa na hindi malayong nauwi sa kanilang divorce proceedings.
Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtulong na ginawa ni Anjo sa isang motorista na nadisgrasya. Ang kapatid naman nito na si Jomari ay nagkaroon din ng isyu sa mga ina ng dalawang anak nito na si Joy Reyes.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh