Kylie Padilla, ipinagdiwang ang Father's Day kasama ang amang si Robin Padilla

Kylie Padilla, ipinagdiwang ang Father's Day kasama ang amang si Robin Padilla

- Kasama ni Kylie Padilla ang kanyang ama sa pagdiriwang ng Father's Day ngayong araw

- Ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang pagbati sa ama na kanyang ipinakita sa kanyang Instagram story

- Samantala, sa base sa Instagram story ng kanyang asawang si Aljur kasama naman nito ang anak nitong si Alas

- Muling naging usap-usapan ang tungkol sa napapabalitang pinagdadaanan ng mag-asawa lalo at marami ang naghihintay ng pagbati ni Kylie sa ama ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Kylie Padilla na kasama niya ang kanyang amang si Robin Padilla sa pagdiriwang ng Father's Day. Ibinahagi niya rin ang kanyang pagbati para sa ama.

Kylie Padilla, ipinagdiwang ang Father's Day kasama ang amang si Robin Padilla
Photo from Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang picture ng lolo nya sa pagdiriwang ng Father's Day

Kylie Padilla, ipinagdiwang ang Father's Day kasama ang amang si Robin Padilla
Kylie Padilla Instagram story (@kylienocolepadilla)
Source: Instagram

Marami naman sa mga tagahanga ng mag-asawa ang nag-aabang sa pagbati ni Kylie para sa ama ng kanyang mga anak na si Aljur Abrenica. Gayunpaman, tila hindi sila magkasama base na rin sa Instagram story ni Aljur kung saan ibinahagi niya ang video ng kanilang panganay na anak na si Alas Joaquin.

Lalong naging maugong ang usap-usapang may pinagdadaaanan nga ang mag-asawa base sa kanilang mga ibinabahagi sa social media.

Kamakailan ay kasama ni Aljur ang dalawang anak nila sa Batangas sa lugar ng mga magulang ni Aljur at kanyang ibinahagi iyon sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Read also

Jennica Garcia, bumili ng Nezuko glasses mula sa kita niya sa pagbabalik-showbiz

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaaanan nila ni Aljur.

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel