Jennica Garcia, bumili ng Nezuko glasses mula sa kita niya sa pagbabalik-showbiz

Jennica Garcia, bumili ng Nezuko glasses mula sa kita niya sa pagbabalik-showbiz

- Mas naging aktibo sa social media si Jennica Garcia simula nang magbalik-showbiz siya

- Matatandaang kamakailan ay binahagi niyang nakasama siya sa lock-in taping ng Las Hermanas

- Masaya niyang ibinahagi ang kanyang Nezuko Kamado na glasses na aniya ay nabili niya mula sa kanyang kita sa 'Las Hermanas'

- Ibinahagi naman niya ang kanyang kasiyahan na marami ang tumawag sa kanyang Nezuko — ang bida sa anime series na Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jennica Garcia sa kanyang mga Instagram followers ang kanyang kasiyahan na nabili niya ang Nezuko Kamado na glasses. Aniya, binili niya ito mula sa kanyang kita sa Las Hermanas.

Jennica Garcia, bumili ng Nezuko glasses mula sa kita nya sa pagbabalik-showbiz
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Jennica ang tungkol sa kanyang pagbabalik sa showbiz sa pamamagitan ng bagong teleserye ng GMA-7 na Las Hermanas.

Hindi naman matago ni Jennica ang kanyang kilig nang tawagin siyang Nezuko ng kapwa niya anime fan na sumusubaybay sa anime series na Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba.

Sa kabila ng mga pagsasapubliko ni Alwyn Uytingco ng kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at asawa, nanatiling walang sagot si Jennica sa Instagram. Gayunpaman, nauna nang nasabi ni Jennica na hangga't maari ay iiwasan niyang magsalita kaugnay sa asawa upang maproteksiyonan ang mga anak sa maaring makasakit sa kanila sa mga mababasa nila sa internet.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel