Kim Chiu, pinahanga ang netizens sa pinakita niyang professionalism
- Ibinahagi ni Kim Chiu ang picture ng EpiPen sa kanyang Instagram Story na aniya ay nagligtas ng kanyang buhay
- Makikita din sa It's Showtime ang pamamaga sa matang bahagi ng kanyang mukha na kadalasan ay dinaranas ng mga taong nagkaka-allergic reaction
- Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay tuloy pa rin ito sa kanyang trabaho
- Nilinaw naman ni Kim na maayos na ang kanyang kalagayan maliban na lamang sa kaunting pamamaga sa kanyang mata
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling pinatunayan ni Kim Chiu ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho matapos malagay sa panganib ang kanyang buhay.
Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Kim ang picture ng EpiPen na aniya ay nagligtas sa kanyang buhay.
Ayon sa website na Web MD, ang EpiPen ay ginagamit upang gamutin ang malubhang allergic reaction.
This medication is used in emergencies to treat very serious allergic reactions to insect stings/bites, foods or other substances. Epinephrine acts quickly to improve breathing, stimulate the heart, raise a dropping blood pressure, reverse hives, and reduce swelling of the face, lips, and throat.
Sa isang maiksing video sa kanyang IG Story, sinabi ni Kim na maayos na ang kanyang pakiramdam maliban na lamang sa kaunting pamamaga sa kanyang mata.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.
Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.
Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh