Amy Perez, nagbahagi ng mensahe para sa pumanaw na kaibigang si Hans Mortel
- Ibinahagi ni Amy Perez ang kanyang mensahe sa pagpanaw ng kanyang co-host at kaibigan na nakasama niya dati sa isang show sa TV5
- Pinasalamatan ni Amy si Hans Mortel para sa mga masasayang alaala nilang magkasama
- Ibinahagi din ng TV host ang isang litrato nilang magkasama noong sila ay parehas pang nasa TV5
- Si Hans ang naging katuwang ni Tyang Amy sa pakikipag-usap sa studio audience na tinatawag nilang mga sawsawero’t sawsawera sa palabas na "Face to face"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang mensahe ng pamamaalam ang binahagi ni Amy Perez para sa kanyang kaibigan na aniya ay pinakapaborito niyang "sawsawero," si Hans Mortel na pumanaw matapos ang tatlong buwang pakikipaglaban sa kanyang sakit.
Pinasalamatan ni Amy ang kaibigan sa mga magagandang alaala nilang magkasama. Pinaabot din ni Tyang Amy ang kanyang pakikiramay sa naulilang pamilya ng TV host.
Salamat sa love mo at lahat ng magaganda nating memories together. You will always be my favorite "SAWSAWERO" I will miss you. No more pain. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ.My Deepest Sympathy to his family.
Matatandaang nabanggit din noon ni Vice Ganda na si Hans ang unang nakadiscover sa kanya bago pa siya napunta sa management ni Ogie Diaz.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagkasama sina Amy Perez at Hans Mortel sa patok na patok na palabas sa TV 5 noon na Face to Face kung saan si Hans ang naging katuwang ni Tyang Amy sa pakikipag-usap sa studio audience na tinatawag nilang mga sawsawero’t sawsawera.
Matatandaang ilang mga komedyante na rin ang pumanaw smula noong nakaraang taon. Kabilang sina Kim Idol, Le Chazz at si Shalala.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh