Ronnie Alonte, pinasalamatan si Kris Aquino sa binigay nitong arcade machine
- Ibinahagi ni Ronnie Alonte ang isang virtual tour sa kanyang man-cave na siya mismo ang nag-ayos
- Aniya, ang basement ng kanyang bahay ay dating storage lamang ngunit napaga-isipan niyang gawin itong man cave
- Sa kanyang man cave ay makikita ang bilyaran, table tennis, at apat na arcade machine
- Ibinahagi niyang galing iyon kay Kris Aquino at hindi niya kinaligtaang pasalamatan si Kris sa ibinigay nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang virtual tour sa kanyang man cave ang ibinahagi ni Ronnie Alonte sa kanyang man cave. Ayon sa kanya, dating para sa storage lang ang bahaging iyon ng bahay niya ngunit naisipan niyang ayusin iyon at gawing man cave.
Patuloy pa rin umano nilang inaayos ang bahaging iyon ng kanyang bahay. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang arcade machine na galing umano kay Kris Aquino. Pinasalamatan din ni Ronnie si Bimby.
Bukod sa Daytona USA 2 na arcade, meron ding Time Crisis II na bigay din umano ni Kris.
Meron ding dance studio sa kanyang man cave at mini drum set. Para sa kanila ni Loisa, masaya sila na may lugar sila para makapaglibang lalo na kapag nais nilang magpahinga sa social media.
Narito ang rekasiyon ng mga tagahanga ng dalawa:
Yes yes finally my new vlog na kayo hinintay ko talaga kuya R2 and Ate loisa miss you so much love you more
Namiss ko kayong dalawa! ganda ng mancave mo r2!
Am i the only one smiling all through out this video? Grabe ang kulit nyo lang tingan LoiNie! Very natural.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ronnie Alonte ay nakilala bilang isa sa miyembro ng all male dance group na napanuod noon sa It's Showtime, ang Hashtags kung saan kasama niya sina Nikko Natividad, Zeus Collins, Ryle Santiago, McCoy de Leon, Kid Yambao at Marami pang iba.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh