Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur

Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur

- Sa panagalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Robin Padilla, natanong nito si Robin tungkol sa kanyang maipapayo kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

- Ani Robin, tila wala siyang mai-aadvise sa mag-asawa dahil hindi din naging matagaumpay ang kanyang relasyon sa unang asawa na ina ni Kylie

- Aminado siya na dahil failure din ang kanyang marriage sa ina ni Kylie, pakiramdam niya ay hindi siya credible para magbigay ng payo

- Nasabi niya pa umano kay Kylie na pag-Muslimin na lang nito ang kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos nga kumpirmahin ni Robin Padilla ang balita tungkol sa umano'y paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz, muling ibinahagi ni Robin ang kanyang saloobin kaugnay sa nangyari.

Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur
Robin Padilla led the protest in Liwasang Bonifacio in Manila with the costume of Andress Bonifacio. 2014/11/30 (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images
“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko? Sabi ko, 'Pag-Muslimin mo na lang si Aljur',”

Read also

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Bilang hindi naman umano naging successful ang kanyang marriage life sa ina ni Kylie, pakiramdam ni Robin ay hindi siya credible na magbigay ng payo.

Sinabihan pa umano nito ang anak na pag-Muslimin na lamang ang asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist.

Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Kamakailan ay inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.

Read also

Ronnie Alonte, pinasalamatan si Kris Aquino sa binigay nitong arcade machine

Nakatanggap naman ng mensahe ang anak ni Robin na si Isabella mula sa kanyang ninong Digong kamakailan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel