Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo

- Kinaaliwan ng netizens ang bagong vlog ni Kim Chiu na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel

- Bilang malapit na magkaibigan, tila hindi na nabigla si Kim nang sabunutan siya ni Bela dahil sa kanyang pagbanggit sa pangalan ni Zanjoe Marudo

- Ito ang naging tugon nina Kim at Dani Barretto sa tanong kung sino ang naging boyfriend niya bago ang kasalukuyang karelasyon niyang si Norman Ben Bay

- Iginiit ni Bella na hindi niya naging boyfriend ang aktor na minsan na ring iniuugnay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago pa man umalis si Bela Padilla papuntang abroad, nakasama niya ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan kabilang na sina Kim Chiu at Dani Barretto.

Sa bagong vlog na ibinahagi ni Kim na pinamagatang Who Knows Bela Better?, kinaaliwan ng mga netizens ang kulitan ng tatlo.

Read also

Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur

Kim Chiu, sinabunutan ni Bela Padilla matapos banggitin ni Kim si Zanjoe Marudo
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Hindi naman napigilan ni Bela ang sarili at nasabunutan niya si Kim matapos niyang sagutin ang tanong kung sino ang naging boyfriend ni Bela bago ang kasalukuyang karelasyon na si Norman Ben Bay.

Sabay pa sila ni Dani sa naging sagot nilang si Zanjoe Marudo na mariing pinabulaanan ni Bela. Aniya ay hindi niya naging boyfriend si Zanjoe.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kim Chiu ay sumikat sa showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother teen edition.

Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Read also

Kim Chiu at Dani Barretto, nagkasukatan kung sino ang mas nakakakilala kay Bela

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel