Heaven Peralejo, inaming naapektuhan sa bashers; nagpositibo sa COVID-19

Heaven Peralejo, inaming naapektuhan sa bashers; nagpositibo sa COVID-19

- Sa kanyang latest vlog, inamin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na naapektuhan siya ng mga pangba-bash sa kanya

- Ito ay matapos niyang aminin na nagpositibo siya sa COVID-19

- Habang naka-isolate ay mas pinili raw niya ang maging matatag sa gitna ng mga pinagdaanan niya

- Matatandaang, kamakailan lang ay umugong ang balitang siya ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Devon Seron at Kiko Estrada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang latest vlog, kung saan inamin ni Heaven Peralejo na siya ay nagpositibo sa COVID-19, inamin din ng aktres na naapektuhan siya ng mga pangba-bash sa kanya.

Ayon sa young actress, matapos ma-isolate mag-isa, ay doon lang niya napagtanto ang epekto ng mga intriga sa kanya.

"I've been through a lot of bashings and... I don't know, may effect pala siya," ani Heaven. "You know mentally, nag-a-affect din siya... Sabi ko, sobrang daming nangyayari naman sakin."

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

Heaven Peralejo, inaming naapektuhan sa bashers; nagpositibo sa COVID-19
Photo: Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Pero sa kabila nito ay mas pinili na lang daw ni Heaven na maging matatag at humugot ng lakas mula sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Matatandaang, kamakailan lang ay umugong ang balitang siya ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Devon Seron at Kiko Estrada, na itinanggi ni Heaven.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, sa nasabing vlog, ibinahagi rin ni Heaven ang kanyang naging karanasan matapos dapuan ng virus.

Bukod sa hirap na paghinga, nakaramdam din daw ang dalaga ng pananakit ng ulo at buong katawan.

May isang punto pa na kinailangan siyang dalhin sa ospital.

Sa ngayon ay isa nang survivor si Heaven mula sa coronavirus at nakiusap sa publiko na seryosohin ang virus.

"One of the toughest challenges I have dealt with during this pandemic is personally getting tested positive for Corona Virus. I'd like to share with you all my experience hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope up and recover from this difficulty. And to everyone else, this video is to provide awareness that Covid is real and it should be taken seriously.

Read also

Vicki Belo, nawindang nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper"

"I am now a Covid19 Survivor. Sending my love & prayers to everybody going through these difficult times."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel