Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

- Umani ng maraming mga reaksiyon mula sa mga netizens ang panibagong Instagram post ni Gerald Anderson

- Ito ay matapos lumabas ang pahayag ni Bea Alonzo kaugnay sa kanilang naging relasyon

- Nagbahagi ng quote si Gerald tungkol sa healing kaysa paghahanap ng "revenge"

- Matatandaang ang aktor ang unang nagbahagi ng kanyang pahayag tungkol sa kanila ni Bea at maging tungkol sa kanila ni Julia Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pambabatikos na natatanggap kasunod ng pahayag ni Bea Alonzo, pinili ni Gerald Andersn na huwag nang diretsahang sagutin ang mga pahayag nito.

Sa halip ay isang quote ang kanyang ibinahagi sa Instagram tungkol sa healing.

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"
Gerald Anderson and Julia Barretto (juliabarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

China Roces, pinayuhan si Jelai Andres kaugnay sa pinagdadaanan nito

"How much better to heal than seek revenge from injury" - seneca

Matapos aminin ni Gerald ang tungkol sa kanila ni Julia pagkatapos ng ilang buwang pananahimik tungkol sa isyu, aniya, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik.

Mas naging bukas din sila Julia at Gerald sa pagbabahagi ng kanilang mga litratong magkasama. Kamakailan nga ay kasama pa ang aktor sa pagdiriwang ng ika-18 taong kaarawan ng kapatid ni Julia na si Leon Barretto. Bukod kay Gerald, tanging sina Julia, at mga kapatid at ina nila ang naroroon sa kanilang simpleng salu-salo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Read also

Pamilya Pacquiao, kinagiliwan dahil sa kanilang pagiging simple

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Gerald tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel