Birthday surprise ni Bea para kay Gerald noong 2019, binalikan ng netizens

Birthday surprise ni Bea para kay Gerald noong 2019, binalikan ng netizens

- Hindi nakaligtas sa mga netizens ang video ng birthday surprise ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson noong 2019

- Ito ay matapos ang pag-amin ni Gerald tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto at pagtanggi nitong nang-ghost siya

- Inilarawan niya rin ang relasyon niya bago sa kasalukuyang relasyon niya bilang "toxic"

- Matatandaang kalagitnaan ng 2019 nang magkahiwalay sina Bea at Gerald

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang naging pahayag ni Gerlad Anderson patungkol sa relasyon nila noon ni Bea Alonzo, marami sa mga netizens ang nagkalkal at bumalik sa mga videos ng dalawa noong sila pa lamang.

noong taong 2019, sa kaarawan ni Gerald ay nag-organisa ng isang birthday party si Bea para sa aktor. Marami sa mga kaibigan ng aktor ang saksi sa ginawang sorpresa ni Bea para sa kanya.

Birthday surprise ni Bea para kay Gerald noong 2019, binalikan ng netizens
Bea Alonzo (@bealonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Kaya naman, hindi mapigilang kwestiyunin ng ilang tagahanga ni Bea ang sinabi ni Gerlad na toxic umano ang kanilang relasyon kaya pinili niya na lang makawala doon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa panayam ni Boy Abunda ay itinanggi ni Gerald ang isyu ng ghosting.

“Ano po ba ang definition ng ghosting? Kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nag-decide ako mag-back out and ‘di magpapakita kahit kailan. ‘Yun ba ang definition? Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic."

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel