Enforcer sa food delivery rider: 'Di bawal ang pagkain, pagpasok ng tao bawal'
- Isa na namang video ng pagharang sa isang food delivery rider ang kumakalat ngayon sa social media
- Sa nasabing video, makikitang hinaharang ng ilang enforcer ang isang food delivery rider ng isang sikat na fastfood restaurant
- Maririnig namang nangangatwiran ang rider at sinabing dapat silang payagan dahil pagkain ang kanyang idini-deliver
- Kasunod lang ito ng viral video sa Bulacan kung saan isang tanod ang nagsabing hindi raw 'essential' ang lugaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isa na namang video ang kamakalat sa social media kung saan makikitang hinarang ng ilang enforcer ang isang food delivery rider ng isang sikat na fastfood restaurant.
Sa nasabing video na in-upload ng Facebook page na TATAK ANIME, maririnig ang pagtatalo ng isang enforcer at ng rider.
"Alam namin kina-quarantine ka pero 'di ba dapat allowed kami, sir, pagkain..." maririnig na sinabi ng rider.
"Hindi naman po pinagbawal ang pagkain, pero ang pagpasok po ng tao, bawal. Nilalayo lang po kayo sa ano," ayon naman sa isa sa mga enforcer.
Naputol na ang naturang video sa puntong pinakausap ng rider ang kanyang customer sa enforcer.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Mabilis na kumalat ang video at marami ang agad na nag-react dito. Nahati rin ang mga opinyon ng netizens tungkol sa insidente.
May ilan pang pumuna sa hindi pagsusuot ng face mask ng enforcer habang nakikipag-usap ito.
"Dapat ikaw hulihin wala kng facemask, no social distancing."
"Baka maglalakad mag-isa yung pagkain papunta dun sa umorder."
Ngunit may ilan ding ipinagtanggol ang enforcer.
"Bka total lockdown ung area n yan, sbi kc kina-quarantine ung lugar (malamang may new case ng covid) hindi tlga nagpapapasok pag ganyan hanggang sa labasan lng mga deliver."
"Pero kung marining mo sinabi ng team leader, di bawal ung pagkain, bawal pagpasok ng tao sa loob. Tama nmn un kc may mga subdivision na may ganung rules."
Kasunod lang ito ng nag-viral na insidente sa Bulacan kung saan isang tanod ang umani ng pambabatikos matapos nitong sabihin na "hindi essential ang lugaw".
Pero paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque, isa sa mga essential ang lugaw.
Bukod dito, sa isang panayam kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, maaaring mag-deliver ng pagkain 24/7 kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, inamin ni DILG Usec. Densing na si Vice President Leni Robredo nga ang tinutukoy nitong "Lugaw" sa kanyang viral statement nang tanungin ito tungkol sa viral lugaw issue.
Agad naman itong inalmahan ng kampo ni Robredo at tinawag na pabigat ang opisyal.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh