Kampo ni Robredo, umalma sa pahayag ni Densing na "Lugaw si Leni"

Kampo ni Robredo, umalma sa pahayag ni Densing na "Lugaw si Leni"

- Inalmahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang naging pahayag ni DILG Undersecretay Epimaco Densing III

- Nito lang Huwebes nang aminin ni Densing na si Robredo ang tinutukoy niyang "Lugaw" sa kanyang viral statement

- Tinawag na pabigat ng kampo ni Robredo ang opisyal na nagawa pa raw magbiro sa kabila ng krisis dahil sa COVID-19

- Nag-ugat ang isyu sa kontrobersiyal na isyu tungkol sa lugaw na tinawag na "non-essential" ng isang tanod sa Bulacan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inalmahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang naging pahayag ni Department of Interior and Local Government Undersecretay Epimaco Densing III.

"Yes. Lugaw si Leni," ani Densing.

"She has been a non-essential in this fight against COVID (coronavirus disease). Unfounded comments on IATF (Inter-Agency Task Force)," dagdag pa ng opisyal.

Read also

Usec. Densing, inaming si VP ang tinutukoy sa viral statement: "Lugaw si Leni"

Kampo ni Robredo, umalma sa pahayag ni Densing na "Lugaw si Leni"
Photo: Vice President Leni Robredo
Source: Facebook

Tinawag na pabigat ng kampo ni Robredo ang opisyal na nagawa pa raw magbiro sa kabila ng krisis dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"With cases rising, hospitals full, & millions struggling, instead of doing real work he makes 'jokes,' plays politics, & bashes someone who's actually doing the job they're supposed to," ayon kay Barry Gutierrez, spokesperson ng Vice President, sa isang tweet.

"Di lang ito 'non-essential.' Ito ay pabigat," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, tahasang inamin ni Densing na si Vice President Robredo ang tinutukoy niyang "Lugaw".

Read also

Pahayag ni DILG Usec. Densing tungkol sa Lugaw, viral sa social media

Kaugnay pa rin ito ng viral na isyu tungkol sa lugaw na nag-ugat sa isang insidente sa Bulacan kung saan tinawag na non-essential ng isang tanod ang lugaw.

Maraming netizens at ilang celebrities ang hindi napigilang mag-react dito matapos mabilis na kumalat sa Facebook ang insidente na nakuhanan ng video.

Nauna nang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 'essential' ang lugaw.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone