Maricel Soriano, kinaaliwan sa pakikipagkulitan niya sa Beks Battalion

Maricel Soriano, kinaaliwan sa pakikipagkulitan niya sa Beks Battalion

- Muling nagkasama ang Beks Battalion at ang Damond Star na si Maricel Soriano sa isang vlog

- Panimula pa lamang ng video ay hindi inasahan ng Beks Battalion na maiisahan sila ng kanilang Inay Maria

- Lingid sa kaalaman nila ay si Maricel pala iyong nakasuot ng PPE na nag-spray sa kanilang ng pang-disinfect

- Pinaluhod pa nito ang tatlo nang i-disinfect niya ang mga ito bago sila magsimulang mag-vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ang panibagong vlog ni Maricel Soriano kung saan nakasama niyang muli ang Beks Battalion. Bago pa man nagsimula ang kanilang vlog ay nabiktima na ng Diamond star ang magkakaibigan nang magbihis siya bilang frontliner.

Maricel Soriano, kinaaliwan sa pakikipagkulitan niya sa Beks Battalion
Maricel Soriano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Suot ang PPE, isa-isa niyang pinaluhod at pinatuwad pa ang Beks Battalion upang madisinfect. Natawa na lamang ang mga ito nang magpakilala ito at hindi nila nabosesan ang kanilang Inay Maria.

Read also

Andi Eigenmann, pinakita ang kanyang nabili sa ukay-ukay

Sa kanilang kwentuhan ay muli nilang binalikan kung paano sila napalapit at nagkakilala. Hindi nawala ang pagiging mataray ni Maricel kung saan siya kilala ng publiko.

Gayunpaman, tawa lang nang tawa ang Beks Batallion sa kanilang Inay Maria. Sinayaw din nila ang ilang mga sayaw na dati nang pinasikat ni Maricel noong araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng kanilang mga manonood:

Grabeee ang saya ng episode ngayon inay. Sobrang salamat po kasi napasaya niyo nanaman po ako. More prank pa po nay. HAHAHA. iloveyouuuu so muchh inayyy!!
Dami kong tawa Inay! Walang kupas ang ganda at ang galing sumayaw parin ng Lodi ko♥️ Dancing Queen!
Sakit tiyan ko sa kakatawa nany marya, mga beks naisahan kayo ni nanay Marya hahahahaha. thank you guys!

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Read also

Composer, hinahanap ang nag-viral na bata sa jeep na kumakanta ng kanyang awitin

Kamakailan ay nakasama si Maricel sa vlog ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano. Kinaaliwan ang kanilang ibinahaging TikTok video.

Hindi naitago ni Maricel ang kanyang pagkagiliw sa dalawang apo sa pamangking si Meryll.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel