Andi Eigenmann, pinakita ang kanyang nabili sa ukay-ukay

Andi Eigenmann, pinakita ang kanyang nabili sa ukay-ukay

- Sa kanilang bagong video, ibinahagi niAndi Eigenmann ang ilang eksena sa kanilang unang pakikipag-collab sa kanilang kapwa YouTuber

- Ito ay ang collaboration nila kasama ang DonEkla in Tandem nang magpunta ang mga ito sa Siargao

- Sa huling bahagi ng kanyang vlog ay pinakita ni Andi ang kanyang nabili sa ukay-ukay ng kanyang kaibigan

- Aniya, gusto niya na bumibili sa mga ukay-ukay dahil isa din ito sa paraan upang mabawasan ang mga basura lalo at matagal bago malusaw ang mga telang may halong mga kemikal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Andi, para sa kanya ay magandang paraan ang pagtangkilik at pagbebenta ng damit sa ukay-ukay. Aniya isa din itong paraan upang pangalagaan ang kalikasan. Matagal mabulok ang mga tela lalo na ang may mga halong kemikal at pangkulay.

Andi Eigenmann, pinakita ang kanyang nabili sa ukay-ukay
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Ipinakita niya rin ang kanyang nabiling damit at gamit matapos niyang mamili sa ukay-ukay. Sa kanyang pinakahuling vlog, pinakita niya rin ang ilang pangyayari nang magkita sila nina Super Tekla at Donita Nose para sa kanilang unang pakikipag-collab sa kapwa nila YouTuber.

Read also

Maricel Soriano, kinaaliwan sa pakikipagkulitan niya sa Beks Battalion

Nauna nang ibinahagi ng DonEkla in Tandem ang kanilang karanasan nang magpaturo sila ng surfing kay Philmar. Matagal na umanong hindi nagtuturo si Philmar dahil mas pinagtuonan niya ng pansin ang kanilang pamilya ngunit hindi ito nag-atubiling pagbigyan ang DonEkla.

Ayon kay Andi, pinapanuod ni Philmar ang vlog ng DonEkla at aliw na aliw umano ito sa kanila kaya hindi din ito nagdalawang-isip na pagbigyan ang kanilang request.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel