Video ng pagtatanggol ng serbidora sa hinamak na mga Pinoy sa California, viral

Video ng pagtatanggol ng serbidora sa hinamak na mga Pinoy sa California, viral

- Matapang na ipinagtanggol ng isang server ang pamilyang Pinoy na kumakain sa kanilang restaurant

- Nakaranas umano ng diskriminasyon ang mga Pinoy na nagsasalo-salo para sa kaarawan ng isang miyembro ng pamilya

- Nang umiinit na ang tensyon, namagitan na ang server at pinaalis ang nanghamak na Amerikano na CEO pa naman ng isang IT company sa lugar

- Ayon pa sa server, ginawa lamang niya ang nararapat dahil hindi tama ang ginawa ng lalaki dahil lamang sa iba ang lahi ng mga pamilyang Pilipino na nasa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Video ng pagtatanggol ng serbidora sa hinamak na mga Pinoy sa California, viral

Si Gennica Cochran habang pinaaalis ang CEO na si Michael Lofthouse dahil sa diskrimiinasyong ginawa nito sa pamilyang Pinoy na nasa restaurant
Source: Instagram

“I felt very protective of them,” pahayag ni Gennica Cochran, ang restaurant server na buong tapang na nagtanggol sa pamilyang Pilipino sa California na nakaranas ng diskriminasyon.

Nalaman ng KAMI na ang mga biktima ay pamilya ni Raymond Orosa na nagdiriwang noon ng kaarawan ng kanyang misis sa 'Bernardus' restaurant.

Sapul sa video kung paano hinamak ng isang Amerikano ang pamilya ni Orosa na sinabihan ng masasakit at mapanghamak na pananalita.

Nang hindi pa rin tumitigil ang lalaking isa palang CEO ng IT company sa USA, doon namagitan na si Cochran.

“You need to leave right now. Get out, you are not allowed here, get out now. You do not talk to our guests like that, they are valued guests, you are not allowed here ever again!” ang pagtatanggol ng server sa pamilya ni Orosa.

Mapapansing patuloy pa rin ang pang-iinsulto ng CEO na nakilalang si Michael Lofthouse bago ito tuluyang umalis sa lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam ng KGO-TV kay Cochran, sinabi ng restaurant server na nagawa niya ito dahil iyon ang nararapat.

“To have someone hate you just because of the way that you look, that’s beyond me. I don’t understand it,” paliwanag ng server na may napakabuting puso.

“If you see something do something. Stand up against racism and hatred in any form any time you can," paghihikayat pa niya sa publiko.

Samantala, sa ulat ng GMA News, nagpabas na ng pahayag si Lofthouse kung saan humihingi siya ng tawad sa inasal sa pamilya ni Orosa. Humingi siya ng paumanhin at pagbubutihin na raw niya ang kanyang sarili.

Hulyo 6 nang ibahagi ni Jordan Chan ang video ng pangyayari sa kanyang Instagram na mabilis na nag-viral dahil sa malisyosong ginawa ni Lofthouse.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel