Dating panadero, isa na ngayong licensed Physician at registered nurse
- Ibinahagi ng isa na ngayong licensed physician at registered nurse ang kanyang nakaka-inspire na kwento
- Marami muna siyang pinasok na trabaho bago makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor
- Mula sa pagiging working student, merchandiser sales clerk at pagiging panadero pinasok niya maisakatupran lang ang pangarap
- Kinaya niya lahat ito lalo na at wala siyang magulang na susuporta pa sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang humanga sa doktor na si Rommel Amos nang ibahagi niya ang kanyang inspiring story kung paano niya naabot ang kung ano man siya sa ngayon.
Nalaman ng KAMI na maraming pinasok na trabaho si Rommel bago pa siya tuluyang maging isang ganap na doktor.
Sa kanyang viral post, inisa-isa niya ang mga hanapbuhay na kanyang ginampanan matustusan lamang ang kanyang pag-aaral.
Taong 2005, nagsimula siyang maghanapbuhay bilang isang water refiller. Noon ay working student na talaga siya.
Sumunod na taon, naging merchandiser siya sa SM San Lazaro Supermarket, hanggang sa naging Marketing Assistant siya at sales clerk.
Pati na rin ang pagiging isang panadero ay pinasok din ni Rommel habang siya ay nag-aaral na sa med school.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
“Wala na po akong parents kaya sariling diskarte ko na lang po. During my med school, every summer break, Christmas break, and sembreak, nakakapagtrabaho po ako sa bakery pa rin. Mura po ang tuition namin sa Cagayan State University kaya kinaya," pahayag ni Rommel nang makapanayam na siya ng Philippine Star.
"Let us just treat poverty as a challenge, not an obstacle. I think that my humble beginnings were very deliberate, and I'm grateful for them because I'm not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I earned them," ang bahagi ng nakaka-inspire na bagong doktor.
Sa loob lamang ng halos isang araw, umabot na sa 51,000 na positive reactions ang kanyang post sa dami ng mga humanga sa kanyang kwento ng tagumpay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sadyang na nakakabilib ang mga tulad ni Dr. Amos na nagbubunga ang mga pagsusumikap sa buhay.
Matatandaan sa naunang naiulat ng KAMI, isa ring working student ang nakapagtapos ng engineering ang nag-viral sa dami rin ng humanga sa kanya. Nagtrabaho siya noon bilang crew ng isang fast food chain habang nag-aaral siya sa kolehiyo sa De La Salle sa Lipa, Batangas.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Gayundin ang isang lalaki na bagaman hindi na nakapag-high school ay nakatapos naman bilang abogado sa tulong ng PEPT test.
Ilan lamang ito sa mga patunay na nadadaan talaga sa sipag at diskarte ang pag-abot ng pangarap gaano man ito ka-imposible sa paningin ng iba.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh