Lasalista pa siya! Service crew ng Jollibee, nakapagtapos sa kursong engineering

Lasalista pa siya! Service crew ng Jollibee, nakapagtapos sa kursong engineering

- Proud na nakatapos ng kolehiyo ang isang service crew ng Jollibee ng engineering course sa De La Salle Lipa

- Sinikap niyang mapagtapos ang sarili dahil anim silang magkakapatid na itinataguyod ng kanyang mga magulang

- Bukod sa pagiging crew, pumasok din siya bilang maintenance assistant ng pinapasukang paaralan

- 2016 pa siya nagtatrabaho bilang service crew at hanggang ngayon ay doon pa rin siya naghahanapbuhay lalo na at mahirap pang makahanap ng ibang trabaho dala ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bakas sa mga ngiti ng 22-anyos na service crew ng Jollibee na si Israel Cuasay Mabiling ang kasiyahan nang makatapos siya ng kursong engineering sa De La Salle Lipa.

Nalaman ng KAMI na apat na taon na siyang crew ng sikat na fast food chain at magpasa-hanggang ngayon, doon pa rin siya naghahanapbuhay pansamantala.

Kwento ni Israel, anim silang magkakapatid na itinataguyod ng kanyang mga magulang. Ito ang dahilan kung bakit siya na mismo ang dumiskarte upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

High School pa lamang ay scholar na siya ng De La Salle kaya naman naisipan niyang pumasok na rin doon bilang maintenance assistant habang siya ay nagkokolehiyo rin doon.

Ngunit dahil hindi ito sapat, naisipan din niyang kumuha ng isa pang trabaho at ito ay ang pagiging service crew.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matiyaga niyang pinagsabay ang mga trabaho at ang pag-aaral.

Laking pasalamat din niya sa Jollibee na suportado rin ang kanyang pag-aaral.

In my 4 and a half years of stay with you, hindi ko na mabilang kung ilang tao na ba ang napag-silbihan ko, mapabata man o matanda na umuwing nakangiti. Natutunan ko sa’yo kung paano idaan sa ngiti ang mga problema sa pang araw-araw.,” pagbabahagi ni Israel.

Inspirasyon ang dala ng kwento ni Israel at patunay lamang na ang kanyang pagsusumikap ay nagresulta ng isang pangako ng maayos at marangal na buhay para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica