Lalaking di nakapag-high school ngunit nagtapos ng Law school, hinangaan

Lalaking di nakapag-high school ngunit nagtapos ng Law school, hinangaan

- Marami ang na-inspire sa kwento ng lalaking napakaraming pinagdaanan sa buhay ngunit nakapagtapos ng Law school

- Ang nakamamangha pa raw dito, di pa siya nakapag-high school at tila walang naniwala sa kanyang kakayanin niyang magkapagtapos ng pagiging abogado

- Ngayon, sabay niyang napagtapos ang sarili gayundin ang kanyang panganay na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Mapoo Magracia ang nakamamanghang kwento ng kanyang buhay.

Di biro ang kanyang mga pinagdaanan at di pa raw aakalain ng iba na mamalampasan niya ito.

Masasabing bata pa lamang si Mapoo ay natuto na siyang sumiskarte sa buhay. Naranasan niya sa murang edad ang magtinda ng kung ano ano, maging barker sa terminal ng jeep,nag-car wash boy at dumating pa sa puntong nakakapangupit pa siya para lamang may makain.

Nag-aral naman siya ng elementarya ngunit di lamang niya kinaya na pumasok pa sa high school dala ng mas matinding dago sa kanyang buhay.

Noon, pumasok siya sa isang auto supply kung saan kumikita lamang siya ng nasa ₱200 kada linggo. Nabuhay daw siya sa "lista-kain" at madalas niyang kainin ang champorado.

Ngunit naisip niya di lamang dapat iinog ang kanyang buhay sa ganitong paraan. Naisipa niyang bumalik sa pag-aaral.

Noong panahong iyon, mayroong tinatawag na PEPT test para sa mga nahintong mag-aral upang malaman lamang ang kapasidad ng kaalaman.

Nagrereview siya habang patuloy na nagtatrabaho para lamang sa exams. Di niya binigo ang sarili dahil "recommended for higher level" na agad si Mapoo. Halos di makapaniwala ang mga guro na nagpa-exam sa kanya sa resultang ito. Nangangahulugan lamang kasing maaari na siyang di tumungtong ng high school dahil sa antas ng kanyang kaalaman.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman lakas loob na siyang nag-enrol ng kolehiyo. Naranasan pa niyang maliitin noon sa pag-aakalang di raw nito kakayanin ang hirap sa pag-aaral ng kolehiyo.

Ginapang ni Mapoo ang kanyang pagkokolehiyo kaya naman pumasok siya bilang crew sa iba't ibang fast food chain.

1999 nang makatapos siya ng Associate in Computer Science. Di pa rito nagtatapos ang buhay estudyante niya dahil sa determinado siyang maging isang abogado.

Ngayong taon, nagtapos na siya sa Law school at napagtapos na rin niya ang kanyang panganay na anak.

Malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng taong tumulong sa kanyang maabot ang dati lamang niyang pinapangarap.

Sadyang nakaka-inspire ang kwento ng pinagdaanan ni Mapoo at marami ang humanga sa kanya dahil dito.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"What a beautiful and inspiring story bro. God bless you abundantly!"
"Inspiring story.kaya lodi ko po ito.good luck to ur next journey Atty. Mapoo. GOD bless u always"
"Mapoo na touch naman aq sa kwento.mo..matalino ka lang talaga at masinop.kaya narating mo.ang pangarap mo....saludo aq sau..sana pag nabasa eto ng mga bata .mapulutN nla ng aral db?"
"Congratulations po basta may pananalig sa diyos laging nasa tamang daan ang tatahakin tiyak po ang tagumpay. Isa po kayong mabuting halimbawa na dapat tularan ka mapoo mabuhay ka po at nawa makatulong pa lalo sa maraming nangangailangan. God bless you always!"
"Nakakaproud makakilala Sir Mapoo ng tulad niyo po."
"Isa ka pong kahanga hangang nilalang.. Pagpalain ka po sa iyong mga pangarap at magsilbing inspirasyon sa makakabasa ng iyong kwento. IMMK na ito"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel