Ivana Alawi, binahagi ang katangian ng kanyang ideal man

Ivana Alawi, binahagi ang katangian ng kanyang ideal man

- Ibinahagi ni Ivana Alawi ang kanyang gustong katangian sa isang lalaki sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga

- Nilinaw niyang hindi niya gusto ang mga foreigner dahil mas gusto niya daw na maging boyfriend ay Pinoy

- Sa pisikal na katangian, gusto ng sikat na vlogger ang lalaking maganda ang ngiti

- Sa pag-uugali naman, ang gusto niya ay matalino, goal driven at family oriented kagaya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na ipinagkaila ni Ivana Alawi na single siya sa kasalukuyan. Aniya ang susunod na magiging karelasyon niya, ang gusto niya sana ay siya na ang makakasama siya sa buhay at magiging ama ng kanyang magiging anak.

Ivana Alawi, binahagi ang katangian ng kanyang ideal man
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ring may mga nag-uudyok sa kanya na magboyfriend ng afam. Ang Afam ay isang terminolohiya na ginagamit para sa lalaking foreigner.

Aniya, ayaw niya ng afam at Pinoy daw ang gusto niyang maging boyfriend.

Read also

Ivana Alawi, ikinuwento ang tungkol sa date kung saan napa-walkout siya

Pagdating sa pisikal na katangian, nabibighani si Ivana sa magandang ngiti. Para naman umano sa ibang katangian, gusto niya sa isang lalaki ay matalino, goal driven at family oriented kagaya niya.

Kahit sa murang edad ay pinangarap ni Ivana na maging mahusay na homemaker at asawa kaya siya kumuha ng kursong culinary.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel