Ivana Alawi, ikinuwento ang tungkol sa date kung saan napa-walkout siya

Ivana Alawi, ikinuwento ang tungkol sa date kung saan napa-walkout siya

- Sa kanyang pagbabahagi ng kanyang kwento sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks, naibahagi ni Ivana Alawi ang tungkol sa lalaking naka-date niya noon

- Ikinuwento ni Ivana ang dahilan kung bakit siya na-turn off sa lalaking nagpakitang gilas sa kanya

- Matapos nitong sigaw-sigawan umano ang waiter sa lugar kung saan sila kumain, napa-walkout si Ivana

- Humingi siya ng paumanhin sa waiter na naiyak na lamang dahil sa ginawa ng hindi na pinangalanang ka-date ni Ivana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos muling maging usap-usapan dahil sa kanyang viral prank video, naimbitahan ni Toni Gonzaga si Ivana Alawi para sa isang panayam sa kanyang online show na Toni Talks.

Dito isa-isang sinagot ni Ivana ang ilang katanungan ni Toni tungkol sa kanya.

Ivana Alawi, binalikan ang tungkol sa naka-date na naka-turn off sa kanya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ivana Alawi, binahagi ang katangian ng kanyang ideal man

Isa sa naitanong sa kanya ni Toni ay kung ano ang mga katangiang magpapa-turn off sa kanya sa isang lalaki.

Ani Ivana, ayaw niya ng lalaking mayabang. Dito na binalikan ni Ivana ang kanyang worst date experience.

Pinagsisigawan ng lalaking ka-date niya ang waiter sa restaurant kung saan sila pumunta. Dahil dito, naiyak na lamang ang waiter.

Ani Ivana, napa-walkout siya dahil sa ginawa ng ka-date niya at naturn-off siya dito. Naisip nyang kung kaya nitong gawin iyon sa waiter paano pa kaya sa kanya.

Humingi din umano ng dispensa si Ivana sa waiter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

"It's Showtime" hosts, naiyak matapos mabiktima ng prank ni Vice Ganda

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel