18 katao tinamaan ng COVID-19 matapos ang kanilang pagtipon-tipon

18 katao tinamaan ng COVID-19 matapos ang kanilang pagtipon-tipon

- 18 katao ang nagpositibo sa COVID-19 na kabilang sa mga dumalo sa isang family reunion

- Ito ay sa kabila ng ginawa nilang pag-iingat laban sa pagkalat ng coronavirus

- Bago pa man umano dumating ang araw ng kanilang pagtitipon, nagsabi na silang huwag nang pumunta ang may kakaibang nararamdaman

- Gayunpaman, maari pa ring kumalat ang COVID-19 kahit walang sintomas dahil maaring asymptomatic ang isang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Princess Chua-Lio na 18 sa kanilang pamilya ang tinamaan ng COVID 19 at napagtagumpayan nila ang mga sintomas ng virus na ito.

Dagdag pa dito, apat na mga bata ang nag-positibo rin ngunit wala silang naranasang mga sintomas.

18 katao tinamaan ng COVID-19 matapos dumalo sa kanilang family reunion
Coronavirus pandemic overwhelms hospitals (Photo by Andre Coelho)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kim Chiu, binaggit ang tungkol sa taong 'di siya tanggap sa "It's Showtime"

Sa kanyang Facebook post, halos hindi umano sila lumabas ng bahay lalo na noong nakaraang taon na nagbuntis siya.

Napagpasyahan umano ng buong pamilya nilang mag-asawa na nakatira sa apat na iba't-ibang bahay na magitpon-tipon para mabisita nila ang anak niya na isang buwan pa lamang niyang nailuwal.

On March 2021, the whole family (my side and husband's side) residing in 4 different houses, decided to gather in one place to meet so they could visit my newborn daughter.. that was 1 month after I gave birth via Caesarian Section.

Habang nasa dinner sila sa isang kulob at air-conditioned na lugar, nag-usap sila nang walang facemask at wala ding social distancing.

Matapos ang dalawang araw ay nakaranas na sila ng sintomas at 18 sa mga kanila ang nagpositibo.

Yes, 18 adults and 4 kids who we did not have tested so as not to traumatize them.

Tatlo umano sa kanila ang kinailangang isugod sa ospital dahil nahirapan nang huminga at bumaba ang oxygen levels.

Read also

Heaven Peralejo, inaming naapektuhan sa bashers; nagpositibo sa COVID-19

Kumapit na lamang sila sa kanilang pananampalataya hanggang sa nakalabas na rin sa ospital ang kapamilya nila at nag-negatibo na rin sila sa COVID.

Umabot sa P300,000 ang binayaran sa ospital ng asawa ni Princes samantalang halos tig-kalahating milyon ang binayaran sa kanilang mga ama na tumagal sa ospital ng 10 araw.

While both our dads have to be treated for 10 days and the bill was almost half a million each when they were discharged.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Sa ilalim nito ay mayroong mga protocols na pinapatupad kagaya na lamang ng pagsuot ng mga facemask at face shield, curfew at pagbabawal sa mga pagtitipon.

Read also

Sunshine Cruz, nagbahagi ng bagong update sa kanyang recovery

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukyan, nag-umpisa na ang pagbibigay ng bakuna sa mga mamamayan. Ilan sa mga kilalang personalidad na naturukan na ng COVID-19 vaccine ay sina Ogie Diaz, Willie Revillame, Anthony Taberna at Mark Anthony Fernandez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Hot: