Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila

Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila

- Sinabon ng todo-todo ng management ng Star Image sina Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo

- Ito ay kaugnay sa kontrobersiyal na mga pahayag nila kina Awra Briguela, Vice Ganda at Ion Perez kamakailan

- Dahil sa kanilang nagawa, minabuti ng management na isuspinde ang dalawa at pagmultahin base na rin sa nalabag nila sa kanilang pinirmahang kontrata

- Emosyonal na humingi ng paumanhin ang dalawa sa kampo nila Vice Ganda, Ion at Awra

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ng management ng Star Image Digital Network na humahawak kay Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo na maglabas ng public apology hinggil sa nagawa ng dalawa kamakailan na umani ng pambabatikos mula sa mga netizens.

Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila
Buknoy Glamurrr (officiallybuknoy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Donita Nose at Super Tekla, pumalag sa mga reaksiyon ng mga netizens

Bukod sa suspension ng isang buwan na walang bayad, mag-mumulta din ang dalawa ng P100,000 dahil ito umano ang nakasaad sa kontratang kanilang pinirmahan.

Handa rin umanong suportahan ng management ang magiging legal aksiyon nina Vice Ganda sakaling magpasya itong kasuhan sina Buknoy at Gabo.

Matatandaang sa isang live video ay nag-usap ang dalawa at nagbahagi ng malisyosong mga pahayag kaugnay kina Awra, Vice Ganda at Ion.

Emosyonal na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang mapagalitan at mapagsabihan ng kanilang mga boss sa talent agency na kinabilangan nila.

Maging silang nasa management ay nagagalit din daw sa ginawa nina Buknoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Buknoy Glamurrr ay isang YouTube content creator na nakilala matapos ang kanyang kontrobersiyal na vlog kung saan tila hinahamak niya ang isang tricycle driver. Ginawa niya itong halimbawa para sa mga kabataan para mag-aral para umano hindi magaya sa mga ito.

Read also

Miss Universe Russia 2020 Alina Sanko, humingi ng dispensa kaugnay sa viral video

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel