Madam Inutz, Ipina-Tulfo na ang mga scammer at poser ng fake accounts niya

Madam Inutz, Ipina-Tulfo na ang mga scammer at poser ng fake accounts niya

- Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' si Madam Inutz

- Ito ay dahil sa mga umano'y scammer at poser na gumagamit ng kanyang pangalan para makahingi ng pera sa kanyang 'supporters'

- Naaawa na rin daw kasi si Madam Inutz lalo na sa kanyang mga fans na senior citizen na nagpapadala ng pera sa pag-aakalang sila ay makatutulong

- Naalarma na rin ang viral na online seller dahil gumagamit pa umano ang kanyang mga poser ng larawan ng mga may sakit para makahingi ng 'donasyon'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi na ng saklolo si Madam Inutz kay Raffy Tulfo sa programa nitong 'Wanted sa Radyo' upang ireklamo ang umano'y mga scammer at poser na gumagamit ng kanyang pangalan.

Nalaman ng KAMI na ang pekeng page pa ni Madam Inutz ay mayroon naring daang libong mga subscribers at followers. Sa apat hanggang pitong ayroon pa ngang umabot na sa mahigit 700,000 na followers.

Read also

Nurse na COVID survivor, tinupad ang bilin ng lola na pumanaw dahil sa COVID-19

Kwento pa ng viral online seller, naaalarma siya gayung humihingi na ng pera at donasyon ang mga fake page na gumagamit ng kanyang pangalan.

Madam Inutz, Ipina-Tulfo na ang mga scammer at poser na gumagamit ng kanyang pangalan
Madam Inutz (Photo credit: Daisy Lopez)
Source: Facebook

Bukod pa rito, gumagamit din ng mga larawan ng batang may sakit ang mga nagpapanggap na page niya para mas lalong makarami ng paghingi ng pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naawa na rin umano si Madam Inutz lalo na sa mga fans niya na senior citizen na bukal sa puso na magbigay ngunit sa mga manloloko lamang pala napupunta ang pera.

Ang pagkakaroon din ng mga pekeng page niya ang nagiging sanhi ng ilang reklamo umano ng kanyang mga 'miners' dahil sa maling Facebook page pala ito naka-follow at nagma-mine ng kanyang paninda.

"Siguro akala nila live selling ko 'yun or live kantahan. Nagpapadala sila ng Gcash which is maling tao 'yung napapadalhan nila. Kaya lumapit ako sa inyo, sana matulungan niyo akong maayos itong mga fake accounts na 'to," paliwanag ni Madam Inutz kay Tulfo.

Read also

Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya

Ipinakita pa ni Madam Inutz na habang sila ay nag-uusap ni Tulfo, naka-live ang fake page at ni-reupload na lamang ang kanyang dating video ng live selling.

Ibinahagi rin ng online seller na naging instant celebrity na ang tanging Facebook page lamang niya ay ang 'Daisy_licious Ukay' at Daisy Lopez naman sa kanyang Youtube.

Muling ipinaalala ni Madam Inutz na huwag basta papaloko sa mga pekeng account na hindi naman pinaghihirapan ang kanilang content at nagagawa pang manloko ng tao.

Agad na nakilala ng publiko Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Matatandaang si Ethel Booba at Donita Nose ang mga unang bumisita at nagpaabot noon ng tulong kay Madam Inutz matapos mag-viral.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica