Nurse na COVID survivor, tinupad ang bilin ng lola na pumanaw dahil sa COVID-19
- Bumalik pa rin sa serbisyo ang isang nurse matapos na tamaan siya ng COVID-19
- Ang masaklap, maging ang kanyang ama at lola ay nagkaroon din ng virus na kalaunan ay kumitil pa sa mga buhay ng mga ito
- Ngunit bilin ng kanyang lola, ipagpatuloy lamang niya ang laban kaya naman bumalik pa rin siya sa serbisyo
- Makalipas ang isang taon, matatag pa rin na pumapasok sa ospital at nagmamalasakit sa mga kapwang may mga sakit si Joana
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng mga mapapait na karanasan dahil sa COVID-19, balik serbisyo pa rin ang nurse na si Joana Marie Crisologo.
Nalaman ng KAMI na Agosto noong 2020 nang tamaan ng COVID si Joana.
Hindi nagtagal ang kanyang ama naman ang nagpositibo rin sa virus at nadala pa sa ospital.
Matapos ang kanyang ama, ang kanyang lola naman ang nagkaroon ng COVID-19.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa punuan ang mag ospital, minabuti nilang iuwi na lamang ang kanyang lola.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, naikwento ni Joana na bumuti pa raw ang lagay ng kanyang lola.
subalit tatlong araw lamang mula nang bumuti ang lagay ng kanyang lola, nahirapan daw muli tong huminga hanggang sa bawian na ng buhay.
"Kaya kahit COVID pa rin 'yung ikinasawi ng buhay niya, 'yun yung bilin niya sa'kin, na ipagpatuloy ko lang daw po 'yung laban.
Makalipas ang mahigit isang taon, patuloy pa ring nanalasa ang COVID-19 sa buong mundo.
Sa Pilipinas, bagaman at marami na ang nababakunahan kontra COVID-19 ay mataas pa rin umano ang bilang ng mga nagpopositibo araw-araw base sa datos na inilalabas ng Department of Health.
Dahil dito, ipinatutupad ang mga granular lockdown sa ilang mga kalye at barangay sa NCR kahit general community quarantine na ang lugar.
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at madalas na disinfection.
Source: KAMI.com.gh