Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya

Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya

- Tinawanan na lamang ni Joey marquez ang mga bali-balitang pumanaw na siya

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, makikitang masigla at walang iniindang karamdaman si Joey taliwas sa mga nababalita sa kanya

- Napatawag pa umano halos lahat ng kanyang mga kamag-anak para kumpirmahin ang hindi magandang balita

- Nakiusap din ang aktor na huwag na umanong gumawa ng ganoong klaseng balita kung saan iniuulat na patay na ang taong buhay na buhay pa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natawa na lamang ang aktor na si Joey Marquez sa mga bali-balitang pumanaw na raw umano siya.

Nalaman ng KAMI na ilang mga news sites at YouTube channel ang nagbabalita umano na namayapa na ang aktor dahil sa ilang karamdaman.

Sa Ogie Diaz Showbiz Updates, kinumusta ni Ogie si Joey na makikitang masigla taliwas sa nababalitang mayroon itong sakit.

Read also

Gift giving ng mga 'parent leaders' sa ilang lugar, dala ay pag-asa sa komunidad

Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya
Joey Marquez (@tsong_marquez)
Source: Instagram

"Dalawang beses akong namatay e," natatawang nasabi ni Joey.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Inatake daw ako nung una, ngayon naman diabetes daw. Ano kaya susunod?" pabirong nasabi ni Joey.

Nang maglabasan ang mga fake news na ito, agad na tumawag ang lahat ng kanyang mga kamag-anak para alamin kung totoo ba ang mga nababalita.

Maging ang mga kaibigan ng kanyang partner ngayon na si Malou at tumawag din para alamin ang kalagayan nito.

Ganoon din ang mga delivery riders na kinukumpirma kung buhay pa nga ang aktor.

Kaya naman pakiusap ni Joey sa mga gumagawa ng hindi magagandang balitang tulad ng nagawa sa kanya; "Sana naman gumawa sila ng iba-bang balita, 'wag naman 'yung mga buhay papatayin na kaagad."

"At saka 'wag nang pagkakitaan 'yun. Parang hindi naman maganda e. Pwede naman akong kausapin na gumawa ng kung anuman sa kanila. Huwag na nila akong patayin, kawawa naman ako," dagdag pa ni Joey.

Read also

Madam Inutz, dumami daw ang kamag-anak niya nang sumikat na

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz Showbiz Updates YouTube channel:

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na "Palibhasa Lalake" na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin. Hanggang ngayon, aktibo pa rin si Joey sa telebisyon man o sa pelikula.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel