Gift giving ng mga 'parent leaders' sa ilang lugar, dala ay pag-asa sa komunidad

Gift giving ng mga 'parent leaders' sa ilang lugar, dala ay pag-asa sa komunidad

- Kahanga-hanga ang pagtutulungan ng mga tinatawag na 'parent leaders' sa Taguig at Pateros

- Bago pa man mauso ang mga community pantry ang non-government organization ng ilang mga magulang sa nasabing lugar ay nagbibigay tulong na

- Mula raw tulong sa mga organisasyon o indibidwal at 'pag pinagsama-sama ito ay dumarami

- Hanggang ngayon, patuloy pa rin sila sa mga kabarangay na labis na apektado ng pandemya tulad ng mga nawalan ng trabaho

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang bumilib sa mga tinatawag na parent leaders sa Taguig at Pateros na patuloy na nakatutulong sa mga kabrangay nilang labis na apektado ng pandemya.

Nalaman ng KAMI na bago pa man mauso ang mga community pantry sa iba't ibang lugar sa bansa, tumutulong na ang mga parent leaders para makapagpakain ng mga kabrangay.

Read also

Joey Marquez, tinawanan lamang ang bali-balitang pumanaw na raw siya

Sa panayam ng ABS-CBN News sa isang parent leader na si Mariela Atuel, ikinuwento nito paano sila nakakalikom ng mga pagkaing ipamamahagi nila sa kanilang lugar.

Photo: Parent Leaders of Taguig
'Gift giving' ng mga 'parent leaders' sa ilang lugar, dala ay pag-asa sa komunidad
Source: Facebook

Nagkaroon umano ng mga grupo ang parent leaders na ito at pawang mga cartoon characters ang ipinangalan nila sa mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang bawat grupo ay nangongolekta ng kanilang tulong sa abot lamang ng kanilang makakaya ngunit kapag ito ay inipon ay dumarami na.

"Patatalo ba 'yung ibang grupo? Hanggang sa lumaki nang lumaki," kwento ni Mariela.

Marami raw kasi sa mga komunidad nila ang tinamaan nang husto ng pandemya at nawalan ng hanapbuhay. Dahilan para umano walang makain ang mga pamilya ng mga ito.

"Kung maririnig niyo lang 'yung bawat hinaing ng mga tao. Bawat hinaing, tumatagos sa puso ko," pahayag ni Mariela.

Read also

COVID vaccines na ginamit na pangalan ng Grade 1 sections sa Valenzuela, viral

Kaya naman malaking bagay ang pagkakaroon ng 'gift giving' na ito ng mga grupo nina Mariela dahil sa napapakain nila ang mga pamilyang higit na sinubok ng pandemya.

Nitong Marso ng kasalukuyang taon, nauso ang pagtatayo ng mga community pantry sa iba't ibang bahagi ng bansa para matulungan ang mga kababayan nating kumakalam na ang sikmura.

Makikita sa mga pantry ang paaala na "Kumuha ng sapat at magbigay ng naaayon sa kakayanan.'

Maging ang mga kilalang personalidad tulad nina Angel Locsin at Raffy Tulfo ang ilan sa mga nagbuhos ng kanilang kakayanang makatulong para sa mga kababayan nating lalong naging mahirap ang kalagayan dahil sa pandemya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica