COVID vaccines na ginamit na pangalan ng Grade 1 sections sa Valenzuela, viral
- Kinagiliwan online ang mga section na ginamit ng mga klase sa Grade ng isang paaralan sa Valenzuela
- Ang mga section kasi, ipinangalan sa mga COVID-19 vaccine tulad ng Astra Zeneca, Janssen, Sinovac at Pfizer
- Madalas kasing mga pangalan ng bayani, makasaysayang pook o bulaklak ang ginagamit na pangalan ng section
- Makulit na nag-react ang mga netizens at sinabing malalaman ang bisa ng mga bakuna depende sa klase na wala halos uma-absent
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naaliw ang mga netizens nang makita nila ang pangalan ng mga sections na ginamit sa mga klase sa Grade 1 ng Bitik Elementary School sa Valenzuela City.
Nalaman ng KAMI na ang mga COVID-19 vaccine brands ang ginamit sa apat na section ng mga Grade 1.
Sa mga binahaging larawan ng Spot.ph mula sa Bitik Elementary School, makikita ang class organization ng Section Astra (AstraZeneca) Section Janssen, Section Pfizer, at Section Sinovac.
Kadalasan kasi na mga bayani ng bansa, makasaysayang lugar o mga bulaklak at puno ang madalas na gamiting mga section lalo na mga mga pampublikong paaralan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngunit napapanahon daw talaga ng ginamit ng pangalan sa pagpapangkat ng mga mag-aaral.
Narito ang ilan sa makukulit na komento ng netizens:
"Ang kulit! magiging memorable ito sa mga bata na kasama sa mga classes na 'yan"
"Paglaki nila maaalala nila ang section nila tapos maiisip nila pandemic experience nila at magpapasalamat silang buhay pa sila"
"Malalaman natin ang bisa ng vaccine kung walang umaabsent sa mga klase nila. Haha. Joke lang po"
"Napapanahon ang kanilang section. Reminder na rin sa atin lalo na sa kanila na mahala ang pagpapabakuna"
"Sabi nila halo-halo o heterogenous daw ang classes ng mga 'yan, ibig sabihin din lahat ng vaccine na 'yan ay mahalaga. Ang witty ng nakaisip"
Nito lamang Setyembre 13 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan.
Sa ngayon, ilang modalities tulad ng blended, online at modular learning ang patuloy na isinasagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral bilang pag-iingat sa COVID-19.
Kaugnay nito, ikinabahala ng Department of Education ang pagkakaroon umano ng mga group chat tulad ng 'online kopyahan' kung saan nagbibigayan na ng sagot ang mga miyembro ng mga modules na umano'y naiwasto na ng kanilang guro. Bagaman at burado na ang nasabing group chat, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI tungkol dito.
Source: KAMI.com.gh