Vice Ganda, tuwang-tuwa nang makita muli ang TNT boys: "Ganun pa 'rin ka-cute!"

Vice Ganda, tuwang-tuwa nang makita muli ang TNT boys: "Ganun pa 'rin ka-cute!"

- Tuwang-tuwa si Vice Ganda nang makita muli ang kanyang mga "anak", ang TNT boys

- Bilang mga menor de edad, hindi rin basta nakakalabas ng kanilang mga tahanan ang tatlo

- Kaya naman nang mabigyang pahintuloy na maging guest sa 'It's Showtime', maging si Vice ay natuwa sa pagbabalik entablado ng tatlo

- Aniya, wala halos pinagbago ang mga ito na tumangkad lang ngunit ganoon pa rin ka-cute at kahuhusay umawit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super happy si Vice Ganda sa muli nilang pagkikita ng kanyang mga "anak", ang TNT boys.

Nalaman ng KAMI na tulad ng ibang mga menor de edad ay hindi basta nakalalabas ng kani-kanilang mga tahanan ang tatlo bilang pag-iingat sa COVID-19.

Kaya naman nang pahintulutan ang mga ito na magbalik at maging panauhin sa It's Showtime, ganoon na lamang ang saya ni Vice nang makita sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Vice Ganda, tuwang-tuwa nang makita muli ang TNT boys: "Ganun pa 'rin ka-cute!"
Photo: Vice Ganda
Source: Facebook
"Oh my God, na- miss ko sila! Patingin nga kayo pa ba 'yan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"In fairness wala namang masyadong change... Tumangkad lang pero ganun pa rin kacu-cute!"

Kwento pa ni Vice, natatakot umano siya na baka hindi na niya makilala ang tatlo matapos ang halos mahigit isang taong pamamahinga sa entablado.

Ayon sa tatlo, isa sa kanilang pinagkakaabalahan ngayon ay ang pag-aaral. Gumagawa rin sila ng mga covers nila ng mga kanta at lahat ng ito ay pawang mga online shows at video lamang.

Aminado rin sila na labis silang nalungkot tulad ng ibang mga kabataang hindi maaring lumabas ng kanilang tahanan. Lalo na at marami raw ang nag-iimbita sana sa kanila at nais na mapanood ang kanilang performance ngunit hindi pa maisakatuparan sa ngayon.

Ang TNT Boys ay produkto ng 'Tawag ng Tanghalan' kids na nabuo noong 2017. Taong 2018 naman nang tanghalin silang grand winner ng Your Face Sounds Familiar Kids.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.67 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naglabas ng saloobin si Vice kaugnay sa taong kanya umanong natulungan ngunit nai-post nito ang halagang kanyang naibigay dahilan para ma-bash pa siya ng mga netizens.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel