Online kopyahan, ikinabahala ng DepEd; Iniimbestighan na rin ng NBI
- Nakarating na sa kinauukulan ang nakababahalang grupo sa Facebook, ang 'Online kopyahan'
- Matapos kasi ang isang school year na online at modular ang learning modality, marami ang nagbabahagi na ng sagot at nakokopya na lamang ng iba
- Umabot sa 700,000 ang Followers ng naturang grupo na karamihan sa mga miyembro ay mga mag-aaral mismo
- Pinaiimbestigahan na ito ng Department of Education at agad namang tumugon ang NBI
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naging talamak na ang pangongopya online ng mga sagot sa learning modules na umano'y naipo-post sa Facebook Group na 'Online Kopyahan'.
Nalaman ng KAMI na ang naturang grupo ay umabot sa halos 700,000 ang miyembro na nagbabahgi na ng mga sagot sa kanilang modules.
Ayon sa ulat ng GMA News, mapapansing mga mag-aaral din ang miyembro ng grupo na tila matapos na ma-check ng guro ang kanilang ginawa ay naipo-post nila ang sagot sa grupo
Ang ilan, sinasabing mula sa mga nasagutan nang module noong nakaraang taon na siya rin daw ginagamit ngayon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pahayag ni Department of Education undersecretary Diosdado San Antonio, labis daw niyang ikinababahala ang 'online kopyahan' na ito na inalmahan na rin ng mga magulang at guro.
Pinaiimbestigahan na rin nila ito sa National Bureau of Investigation lalo na at burado na raw ang naturang grupo sa Facebook.
“Dapat talagang imbestigahan natin, dapat alamin natin. Ang main concern natin diyan, nako-compromise ba ‘yung mga test questionnaires coming from teachers, Kasi kung nako-compromise ‘yan, paano nako-compromise, na-hack ba ‘yan? Sine-share ba ng teachers,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo said.
Patuloy din ang kanilang pag-iimbestiga sa iba pang mga group o page na may parehong gawain na labis na nakaaalarma sa pag-abot ng kalidad na edukasyon ngayong new normal.
Nito lamang Setyembre 13 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan.
Sa ngayon, ilang learning modalities tulad ng blended, online at modular ang patuloy na isinasagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral bilang pag-iingat sa COVID-19.
Samantala, Hulyo 10 nang matapos ang school year 2020-2021. Kanya-kanyang diskarte ang mga guro sa pagbibigay pugay sa mga estudyanteng nagsipagtapos at upang maipadama sa mga itong naka-graduate sila.
Source: KAMI.com.gh