Elementary classrooms ng Navotas sakaling mag-face-to-face classes na, ipinasilip
- Ipinakita ng Schools Division Office of Navotas City ang magiging set-up ng kanila umanong mga classroom sakaling magbalik paaralan na ang mga mag-aaral
- Isang elementary classroom arrangement ang kanilang ipinakita kung saan mapapansing kaunti lamang ang laman ng isang silid
- May mga shield din ang bawat mesa at isang bata lamang ang ookupa sa isang mesa
- Gayunpaman, malaki pa rin umano ang pagkakaiba nito kumpara sa dating sistema ng pagpasok ng paaralan dahil hindi magkakasabay-sabay ang malalaking grupo ng mga bata
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ng Dagat-Dagatan Elementary School Sa Navotas City ang itsura ng kanilang classroom sakaling pahintulutan nang magbalik sa mga paaralan sa mga estudyante.
Nalaman ng KAMI na isa umano itong proyekto ng paaralan kung saan iilan lamang ang mga estudyanteng maaring magklase base sa iskedyul na ibibigay sa kanila.
Hindi tulad ng dating set-up na malalaking bilang ng mga estudyante ang nasa klase, kapansin-pansing kakaunti lamang ang mga upuan at tig-iisang mesa na may acrylic barrier ang mga mag-aaral.
Hindi rin kasing tagal ng dating klase ang magaganap na maaring tumagal lamang ng ilang oras sa isang araw.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mapapansin ding bukas ang mga bintana ng classroom bilang pagsunod sa IATF na dapat mayroong natural ventilation ang lugar.
Paglilinaw pa ng punong-guro ng paaralan na si Dr. Sonia Padernal, tinatayang nasa 15 na mga mag-aaral lamang ang maaring pumasok sa isang session upang maiwasan ang malaking bilang ng tao.
Nito lamang Setyembre 13 nagbukas na ang klase sa taong panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan.
Sa ngayon, ilang learning modalities tulad ng blended, online at modular ang patuloy na isinasagawa gayung hindi parin pinahihintulutang magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral bilang pag-iingat sa COVID-19.
Samantala, Hulyo 10 nang matapos ang school year 2020-2021. Kanya-kanyang diskarte ang mga guro sa pagbibigay pugay sa mga estudyanteng nagsipagtapos at upang maipadama sa mga itong naka-graduate sila.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh