Vlogger na si Virgelyn, nagdiwang ng kaarawan sa Aeta community

Vlogger na si Virgelyn, nagdiwang ng kaarawan sa Aeta community

- Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang vlogger na si Virgelyn sa Aeta community sa kanilang lugar

- Minabuti ni Virgelyn na mamahagi ng biyaya sa mga kababayan nating Aeta na ang ilan ay mayroon pang karamdaman

- Bukod sa isang sakong bigas kada pamilya, binigyan din niya ito ng mga lulutuing manok, hotdog at tulong pinansyal

- Matatandaang si Virgelyn ang vlogger na unang nangamusta kay Mura na siyang naging daan para mabisita ito ng kaibigang si Mahal na namayapa na

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng vlogger na si 'Virgelyn' ng Virgelyncares 2.0, binisita nito ang Aeta community sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na sako-sakong bigas ang dala nito para ipamahagi sa mga katutubong nangangailangan din ng tulong.

Kada Pamilya, isang sakong bigas ang bigay ni Virgelyn at mayroon ding lulutuing manok at hotdog.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Vlogger na si Virgelyn, nagdiwang ng kaarawan sa Aeta community
Photo: Marco Rodriguez aka Virgelyn (Photo: Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Bukod pa rito, inaabutan niya ang tulong pinansyal ang mga katutubo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naluha pa ang vlogger nang makitang may mga karamdaman pa ang ilan sa kanyang mga binisita at hindi makapagpagamot dala ng kakulangan sa pera.

Dahil dito, dinagdagan niya ang bigay masiguro lamang na umayos ang lagay ng mga may iniindang sakit.

Mababakas ang kasiyahan sa mga katutubo na ang ilan ay napayakap pa kay Virgelyn bilang pasasalamat.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.2 million ang kanyang mga subscribers.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel