Madam Inutz, dumami daw ang kamag-anak niya nang sumikat na

Madam Inutz, dumami daw ang kamag-anak niya nang sumikat na

- Ssa isang panayam ni Mama Loi kay Madam Inutz, kinamusta nito ang social media star matapos ang kanyang mga nagawang trabaho

- Kabilang na rito ang kanyang bonggang kanta na may music video na ayon kay Mama Loi ay bongga at mukhang pinagkagastusan talaga

- Hindi naman ipinagkaila ni Madam Inutz na tuwang-tuwa siya sa dami ng blessings na dumarating sa kanya

- Naibahagi niya ring dumami umano ang nagpapakilalang kamag-anak niya simula nang sumikat siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi pa rin makapaniwala si Madam Inutz o si Daisy Lopez sa totoong buhay sa kanyang tinatamasang kasikatan at sa dami ng trabahong kanyang ginagawa.

Matapos nga ang paglabas ng kanyang awitin na may kasamang music video, kinamusta ni Mama Loi ang buhay ni Madam Inutz.

Madam Inutz, dumami daw ang kamag-anak niya nang sumikat na
Wilbert Tolentino and Madam Inutz (@daisyinutz)
Source: Facebook

Aniya, sa dami ng kanyang mga ginagawa ay umaabot sa puntong dalawang oras na lamang ang kanyang tulog. Gayunpaman, masaya siyang marami siyang trabaho at hinding-hindi umano siya mapapagod.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang sa kanyang nabanggit ay ang pagdami umano ng kanyang mga kamag-anak simula ng sumikat siya.

Panuorin ang kabuoan ng panayam ni Mama Loi kay madam Inutz dito.

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na nakilala nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda.

Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumibili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang iwan na lamang ang nasabing talent agency.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate