Amang naiyak nang mahawakan ang kanyang pinakahihintay na anak, viral
- Nag-viral ang video ng isang ama na talagang naiyak nang mahawakan ang kanyang first born baby
- Kwento nilang mag-asawa, walang pagsidlan ang kanilang kaligayahan gayung matagal na nilang hinihintay ang paglabas ng kanilang anak
- Ayon pa sa dalawa, matindi rin ang pinagdaanan ng kanilang siyam na taong long distance relationship
- At ngayon, magkasama na sila at nabiyayaan pa sila ng supling kaya naman isa na ngayon silang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umantig sa puso ng marami ang video ni Chris Bunao kung saan hindi nito napigilang maiyak nang mahawakan ang kanilang baby ng misis niyang si Xia.
Nalaman ng KAMI na talagang 'tears of joy' ang mga luha noon ni Chris lalo na at walang pagsidlan ang kasiyahan nilang mag-asawa sa pagdating ng kanilang pinakahihintay na anak.
"Para nga pong siya 'yung nanganak dahil siya 'yung nag-viral," pagbibiro ni Xia gayung maging emosyonal talaga ang mister sa kanyang panganganak.
Lalo pa at naikwento ng dalawa sa GMA News, na siyam na taong long distance relationship ang kanilang tinyaga.
Aminado rin silang nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan lalo na sa diperensya noon sa oras ng kanilang kinaroroonan.
Subalit matapos ang halos isang dekadang puno ng pagsubok sa kanilang relasyon, napagtagumpayan nila ito hanggang sa tuluyan nang makasunod si Xia sa Canada.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi nagtagal ay nabigyan pa sila ng supling kaya naman isa na ngayon silang pamilya.
"So sa mga young couples out there, wag na wag niyong kalimutan in the first place ba't kayo nagsimula."
"Kasi sa panahon ngayon, madali na lang magtapon ng mga bagay-bagay or magpalit ng mga bagay-bagay na ultimo relationships madali na lang ding itapon. Parang somehow sana hindi maging ganoon," payo ni Xia.
Kamakailan, nag-viral din ang larawan at video ng isang street food vendor na nagagawang maglako habang karga ang kanyang baby.
Nakarating ang kalagayan ng dalawa sa programa ni raffy Tulfo kaya naman sila ay natulungan.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento naman ng isang taho vendor na kinakayang kargahin ang anak na walang mapag-iwanan kasabay ng pagbubuhat niya ng inilalakong taho.
Ilan lamang ito sa mga patunay na labis ding magmahal sa atin ang ating mga ama na gagawin ang lahat para lamang tayo ay maalagaan at maproteksyunan.
Source: KAMI.com.gh