Heart Evangelista, minaliit ng isang designer dahil sa kanyang sapatos

Heart Evangelista, minaliit ng isang designer dahil sa kanyang sapatos

- Sa kanyang vlog ay naikwento ni Heart Evangelista ang tungkol sa kanyang pinakapaboritong mga sapatos

- Nagustuhan niya ang disenyong iyon at kulay kaya minabuti niyang bumili ng maraming pares ng pare-parehas na disenyo

- Dahil malimit niyang isuot ang ganuong disenyo at kulay ng sapatos, isang Filipino designer umano ang sinabihan siyang isa lang ang kanyang sapatos dahil paulit-ulit niya daw sinusuot

- Para naman kay Heart, ang fashion ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng mga pinakabagong damit o sapatos ngunit ang pagkakaroon ng mga tamang piece na maaring magamit ng pangmatagalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kapansin-pansin ang hilig ni Heart Evangelista sa kulay nudes sa kanyang mga sapatos sa kanyang pinakitang shoe collection kamakailan. Sa katunayan, sa sobrang hilig niya sa nudes at sa isang disenyong sa tingin niya ay maisusuot niya palagi, bumili siya ng maraming pares.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Heart Evangelista, minaliit ng isang designer dahil sa kanyang sapatos
Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Dahil halos pare-pareho iyon, isang designer umano ang nagsabing isang pares lang ang sapatos niya. Para naman kay Heart, ang fashion ay hindi nangangahulugang kailangan ay mga bago at latest na kagamitan.

Para sa kanya, mahalagang naihahayag niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang pananamit. Aniya, sa ganitong aspeto, mahalaga ang mga gamit na pangmatagalan kagaya na lamang ng kanyang sapatos na hanggang sa kasalukuyan ay palagi pa rin niyang nagagamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Read also

Rico Blanco, nag-reply sa fan na pinuna ang kanyang pananamit

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel