Street food vendor na kasa-kasama ang anak sa paglalako, natulungan ni Raffy Tulfo
- Natulungan ni Raffy Tulfo ang street food vendor na kasa-kasama ang anak sa paglalako
- Isang concerned netizen ang nagpost ng larawan at dahil nag-viral nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo
- Bukod sa sariling food cart business, binigyan na rin ng paunang Php15,000 ang vendor mula sa napagbentahan ni Tulfo sa Idol Shopping Network
- Iniwan na kasi ang vendor ng kanyang kinakasama kaya walang mag-aalaga sa kanilang anak
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nabigyan ng tulong ni Raffy Tulfo ang street food vendor na si Argie Mondares. Ito ay matapos na makarating sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Tulfo ang kalagayan ni Argie kung saan kasa-kasama niya ang maliit pang anak sa paglalako.
Nalaman ng KAMI na iniwan si Argie ng kanyang kinakasama kaya naman wala nang nag-aalaga sa kanilang anak.
Para mayroong pambili si Argie ng mga pangangailangan ng kanyang baby, tuloy pa rin ito sa paglalako umulan man o umaraw. Iyon nga lang, kinakailangan pa rin niyang isama ang anak dahil wala siyang mapapag-iwanan dito.
Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan na ito ng vendor, isang food cart business ang inihandog niya rito upang sarili na niya ang kanyang kikitain at hindi mangungumisyon lamang sa amo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, pinasalamatan din ni Argie ang amo na napakabuti sa kanilang mag-ama.
Bukod sa food cart business, pinadalhan na agad ni Tulfo ng Php15,000 mula sa kinita nila sa Idol Shopping Network.
Labis na nagpapasalamat si Argie kay Tulfo gayundin sa nagmalasakit na i-post ang kalagayan nilang mag-ama na naging daan para mabago ang kanilang buhay.
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilalang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas lalo siyang nakilala bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' at 'Idol in Action.'
Kilala rin si Tulfo bilang isa sa mga highest paid YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.9 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay ng agarang aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga kababayan nating naapi, kilala rin si 'Idol Raffy' kung siya ay tawagin ng marami sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh