Balloon vendor, naluha sa 'di inaasahang pagkikita nila ng vlogger na hinahangaan niya

Balloon vendor, naluha sa 'di inaasahang pagkikita nila ng vlogger na hinahangaan niya

- Naiyak sa tuwa ang isang baloon vendor nang makita na sa personal si Basel Manadil

- Nagkataong naghahanap ng taong matutulungan si Basel at isa sa nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang mag-inang naglalako ng lobo

- Dahil ang challenge niya ay ang magpanggap na kararating lang sa Pilipinas, tiningnan niya ang katapatan ng dalawa lalo na pagdating sa pera

- At dahil tapat ang mga ito at hindi siya niloko, binigyan niya ito ng sobra-sobrang tulong

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging emosyonal ang balllon vendor na natulungan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na ang pinakabagong vlog ni Basel ay ang pagpapanggap niya bilang isang dayuhang kararating lamang sa bansa at hindi pa alam ang tungkol sa Philippine peso.

Read also

Candy Pangilinan, humingi ng dispensa matapos i-congratulate si Alex Gonzaga sa post nito

Isa sa nakapukaw ng kanyang pansin ay ang mag-inang naglalako ng mga lobo sa gitna ng init ng araw.

Balloon vendor, naluha sa 'di inaasahang pagkikita nila ng vlogger na natulungan pa siya
Basel Manadil (Photo from: The Hungry Syrian Wanderer)
Source: UGC

Nagpanggap si Basel na bibili para sa kanyang anak at iniabot ang Php500 para sa apat na lobo na Php70 ang halaga, bawat isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pilit na ibinibigay ni Basel ang Php500 habang sinisikap namang ipaliwanag ng naglalako na sobra ang pera ni Basel at may sukli pa ito.

Hindi nagtagal, inamin na ni Basel ang kanyang sitwasyon at doon sinabi niyang napatunayan niya ang katapatan ng mag-ina at hindi siya niloko sa pera.

Dahil dito, ibinigay niya ang lahat ng perang kanyang hawak na labis na ikinagulat ng tindera. Naiyak pa ito habang sinasabi na subscribers pala sila ni Basel at matagal na niya itong napapanood.

Nagpapadala rin umano sila ng mensahe rito at makailang beses nang nakadaan sa restaurant at stores nito.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Walang pagsidlan ng saya ang mag-ina dahil bukod sa nakita nila ang kanilang idolo sa pagtulong, nabiyayaan pa sila nito.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica