Basel Manadil, sinurpresa ng iPhone 12 ang kanyang kasambahay

Basel Manadil, sinurpresa ng iPhone 12 ang kanyang kasambahay

- Binigyan ni Basel Manadil ng bagong iPhone 12 ang kanyang kasambahay

- Matapos nilang magpabakuna, inaya niya ito sa mall sa pag-aakalang si Basel ang bibili ng bagong cellphone para sa kanya

- Tinatanong pa ni Basel ang opinyon ng kanyang kasambahay na si Annie kung ano ang mas magandang unit para sa kanya

- Kaya naman laking gulat ng kanyang kasambahay na sa kanya pala ang cellphone na binili ni Basel na nagkakahalaga ng mahigit Php70,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masasabing masuwerte talaga ang kasambahay ng vlogger na si Basel Manadil na si Annie dahil isa na namang surpresa ang inihanda nito para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na nagawa umanong bilhan ni Basel si Annie ng bagong-bago na iPhone 12.

Inakala ng kanyang kasambahay na si Basel ang bibili ng bagong cellphone gayung ikinikwento niyang sira ang kanyang cellphone na ayaw na niyang ipaayos dahil nasisira naman.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

Basel Manadil, sinurpresa ng iPhone 12 ang kanyang kasambahay
Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Kaya matapos nilang magpabakuna, nagtungo sila sa mall para bilhin ang surpresa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tinatanong pa ni Basel ang opinyon ni Annie sa kung ano ang mas magandang unit para sa kanya.

Walang kaalam-alam ang kasambahay na para pala talaga ito sa kanya.

Kaya nang ibigay niya ito kay Annie, maluha-luha talaga ito at halos hindi makapaniwala.

"Ni sa panaginip, hindi ko akalain na magkakaroon ako nito," naluluhang sinabi ni Annie habang binubuksan ang bago niyang iPhone.

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.

Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel