Basel Manadil, sinurpresa ng bagong motor ang delivery rider na naka-bike lamang
- Sinurpresa ni Basel Manadil ang isang delivery rider na nakita niyang nagpapahinga lamang sa gilid ng kalsada
- Naagaw nito ang kanyang atensyon gayung naka-bisikleta lamang ang delivery rider na naghihintay sa gitna ng init ng araw at wala pa raw noong customer
- Inakala ng delivery rider na mayroong ipade-deliver sa kanya si Basel nang sabihin nitong sumunod sa kanya
- Laking pasasalamat niya na nagkaroon siya ng motorsiklo na siyang magpapagaan ng kanyang trabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Talagang hindi paawat ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer sa pagbibigay ng tulong nang ang nadaanan niyang delivery rider na namamahinga sa gilid ng kalsada ay kanyang sinurpresa.
Nalaman ng KAMI na nakaagaw ng pansin ni Basel ang init ng araw ngunit ang pagsusumikap pa rin ng delivery rider na maghanapbuhay gamit ang kanyang bisikleta.
Tinawag ni Basel ang rider na inakalang magpapa-deliver ito sa kanya.
Hindi alam ng rider na isang biyaya pala ang kanyang matatanggap gayung patungo pala silang motorcycle shop kung saan bibilhin ang motorsiklo para sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naluha talaga ang delivery rider at hindi niya inaasahang mabibigyan siya ng bagong motorsiklo na magpapagaan ng kanyang trabaho.
Labis niyang pinasalamatan si Basel at sinabing totoo talaga ang pagtulong na ginagawa nito at hindi umano 'scripted' lamang.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na isa na siyang ganap na Filipino Citizen.
Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO at mayroon na rin siyang Korean grocery store.
Nitong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Source: KAMI.com.gh