Basel Manadil, binigyan ng puhunan ang mister ng kanyang kasambahay
- Tinulungan ni Basel Manadil ang pamilya ng kanyang kasambahay na nakatira sa Pangil, Laguna
- Sinamahan niya empleyadong si Annie upang mabisita at makumusta ang mga mahal sa buhay
- Sumama si Basel upang makita ang sitwasyon ng pamilya ng kanyang empleyado at personal na ibigay sa mister nito ang kanyang surpresa
- Bago pa sila magtungo ng Laguna, pinagawan pa ni Basel ng salamin ang kanyang kasambahay dahil sa malabo na raw ang paningin nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sumadya pa talaga ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' sa Pangil, Laguna upang bisitahin ang pamilya ng kasambahay niyang si Annie.
Nalaman ng KAMI na nais makita ni Basel ang kalagayan ng mga mahal sa buhay ni Annie habang ito ay nagtatrabaho sa kanya.
Bago magtungo ng Laguna, pinagmalasakitan ni Basel na pasalaminan ang kasambahay na malabo na pala ang paningin.
Nagbiyahe sila ng tatlong oras hanggang sa marating ang tahanan nina Annie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Doon nadatnan nila ang mga apo nito, anak at ang kanya ring mister.
Nalaman kasi ni Basel na nagtatanim ang asawa ni Annie at upang makatulong, binigyan pa niya ito ng puhunan upang mapalago pa ang taniman.
Makikita ang saya ng kasambahay gayundin ng mister nito sa hindi inaasahang biyaya na mula kay Basel.
Ito raw kasi ang paraan ni Basel para mapasalamatan si Annie sa pag-aalaga nito sa kanya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.
Ngayong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Source: KAMI.com.gh