Basel Manadil, matapang na sinagot ang mga puna sa kanya ni Doc Adam; "You are totally wrong"
- Matapang na sinagot ng kilalang YouTuber na si Basel Manadil ang mga patutsada sa kanya ng isa ring vlogger na si Doc Adam
- Ito ay patungkol umano sa isa sa mga natulungan ni Basel na matandang ilang araw nang hindi kumakain
- Batikos ni Doc Adam, hindi na raw kailangan pang kuhanan ng video ang pagtulong ni Basel sa mga nangangailangan
- Nabanggit din ni Doc Adam ang potensyal na kinikita ni Basel na nilinaw naman ng vlogger at sinabing itigil umano dapat nito ang pagkakalat ng fake news
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapang at diretsahang sinagot ng YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer, ang mga puna at patutsada sa kanya ng isa ring vlogger na si Doc Adam.
Nalaman ng KAMI na tahasang pinuna ni Doc Adam ang umano'y pagtulong ni Basel sa isang lolo na ilang araw nang hindi kumakain.
Aniya, isa umanong 'exploitation' ang pagbi-video ng pagtulong na ginawa ni Basel sa matanda.
"The old man gain some food but lost dignity" ang nasabi ni Doc Adam sa kanyang post na ibinahagi rin ni Basel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nabanggit din ng doktor ang halaga ng posibleng kinita ni Basel sa video na iyon.
Dagdag pa ni Doc Adam, nasa 40 katao sa araw-araw ang kanya raw natutulungan ngunit hindi naman niya ito ginagawan ng video.
Handa rin daw umano si Doc Adam na 'ma-bash' dahil sa pahayag niyang ito.
Dahil sa viral post na ito ng doktor, umalma si Basel na naglabas naman ng kanyang panig.
"Dear Doc kwak kwak (Adam) First and foremost, I DO ACCEPT CRITICISM its part of our world. I usually ignore but I won’t let a foreigner like you who claims “hey, Im Doc Adam and Im not Pinoybaiting” manipulate people’s mind into thinking you are not where INFACT all your contents are targeting Filipino viewers. So stop acting you are different, its silly. Magpakatotoo ka nga."
"Second thing, STOP SPREADING FAKE NEWS. Do you really have to post my revenue on this particular vlog I did, what’s your basis? GET YOUR FACTS RIGHT, before posting on social media baka madagdagan kaso mo spreading lies. You said I earned 3000-6000 USD on this video? oh la la, TALAGA?! Wow ha! the 3000 USD alone is EXAGGERATED!!! In fact you reuploaded this video of mine and got copyright strike from the music I used, So did I earn?? You want proof? Hit me up privately, like a man. And I’ll show you. Everything has black and white."
"How sure are you na food lang naibigay ko? And ano paki mo sa earnings ko if most of it are given back to the community. Whether I film it or not, I support alot of private charity and never brag them. I post videos yes, to inspire people and to show the reality, not to degrade them because every video I post always has a lesson. To never look down on these people."
"Whats our difference? We are both on social media, we both earn but I divert mine to something meaningful. What about you? Yes, all my contents are about Philippines and Filipinos. 2016 nagvvlog na ako. I live here for 9 yrs, Im one of them, I breathe here, my life is HERE! ano gusto mo ivlog ko? About Australians? Eh ikaw nasaan ka?"
"I will never stop helping, you can criticise me all day, if you think Im a desperate person like you who thinks Im using people to get where I am, YOU ARE TOTALY WRONG."
Narito ang kabuuan ng post ni Basel na kanyang naibahagi sa kanyang Facebook:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na isa na siyang ganap na Filipino Citizen.
Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO at mayroon na rin siyang Korean grocery store.
Nitong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Source: KAMI.com.gh