Jomar Lovena, pumalag sa mga "Marites" na nag-react sa pagkakaroon niya ng anak

Jomar Lovena, pumalag sa mga "Marites" na nag-react sa pagkakaroon niya ng anak

- Hindi pinalampas ni Jomar Lovena ang mga komento ng ilang netizens kaugnay sa kanyang pagsasapubliko ng pagkakaroon niya ng anak

- Marami sa mga netizens ang nag-react dahil ilang buwan pa lamang umano ang nakakalipas mula nang tumigil sila ni Sachzna Laparan na magkasama sa mga vlogs

- Matatandaang nang ipaalam ni Sachzna na hindi na sila magkakasama sa mga vlogs, sinabi niyang maayos sila at mananatiling magkaibigan ni Jomar

- Ikinalungkot ito ng mga tagahanga at tagasuporta ng kanilang tambalang "Team JoSa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maikaila ang pagiging proud daddy ng vlogger na si Jomar Lovena sa anak nila ng kasintahan niyang si Veybillyn Gorens na nanganak nito lamang buwan ng Setyembre.

Jomar Lovena, pumalag sa mga "Marites" na nag-react sa pagkakarron niya ng anak
Jomar Lovena
Source: Facebook

Sa kanyang post ay sinagot ni Jomar ang mga patutsada ng ilang netizens na aniya ay nakikichismis lang.

Read also

Anim na beses na 'di pinalad sa licensure exam, isa na ngayong registered nurse

Dito sa post na to makikita mo yung mga nakichismis lang bigla sa tindahan

Mayroong mga nagkomento kung bakit tila ang bilis ng pangyayari gayong kailan lamang nang ipakilala nito ang kanyang girlfriend.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, marami din sa kanyang mga followers ang nagtanggol sa kanya:

Moveon kasi para di kayo nagkkaganyan. Tanggapin niyo din na di lahat ng gusto nating loveteam nagkakatuluyan. Kung napanood niyo lang vlog ng mama ni Sachzna maiintindihan niyo din.
May mga bagay talaga tayong kahit gusto nating ibalik wala pa ren tayong magagawa sa mga bagay at pangyayari na Dumaan na
Wag nalang po ninyo intindihin yung mapanghusgang mga tao Jomar lovena Dagdag payan sa mga pinoproblema ninyo

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Read also

Jake Cuenca, idinetalye ang kaganapan sa kontrobersyal na Mandaluyong car-chase

Matatandaang kamakailan ay ipinakilala ni Jomar ang kanyang kasintahanmg si Veybillyn Gorens. Kasunod nito ay naibahagi niya ang tungkol sa pagdadalantao nito at ngayon nga ay ibinahagi niya ang video ng araw kung saan ipinanganak ni Veybillyn ang kanilang anak.

PAALALA: Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel